Is this Love- 6

105 8 1
                                    


"Dj, si Jazmine kaibigan ko." Pagpapakilala ni Lesther sa dalawang kaibigan niya. He can't believe na tototohanin ni Lesther na dadalhin niya neto sa Barcino ang hot friend niyang sinasabi neto kahapon. Mejo nainis pa si DJ dahil pakiramdam niya ay isa siyang lalaking desperadong magkaroon ng lovelife.

Siniko siya ni Lesther, kanina pa kasi iniaabot ni Jazmine ang kamay niya pero ni hindi gumagalaw si Dj.

Napafrown si DJ, kaya pinandilatan sya ni Lesther ng mata.

He faked his smile and cleared his throat, "Oh hi there Jazmine!"kunwari masiglang bati neto sa dalaga.

"Hi!"pabalik na bati ng dalaga kay DJ and she gave him a very seductive smile. He knew it, kapag ganoong mga ngiti ang ipinupukol ng isang dalaga, alam na niya ang gusto neto.

"Dude sige maiiwan ko na kayo."paalam ni Lesther, "Jaz."Lesther added as he walked away from the two, tumingin muna sya ng nakakaloko kay DJ, nandilim tuloy ang tingin nung isa. Then he smiled Jaz at naglakad na ito papalayo.

What's happening, everybody wants him to had a girlfriend. Para bang ikamamatay nilang makita siyang until now ay walang girlfriend. Nainis tuloy sya sa isiping iyon.

Tumingin sya kay Jaz, she's busy sipping her drink while staring on him seductively. Ngumiti siya. But deep inside him, naiinis siya, napakalagkit naman kasing tumitig ang babaeng ito, kulang na lang ay idikit neto ang mga mata niya sa kanya. And admit it, he couldn't feel a thing for her, even if the woman infront him was sexy and ravishingly hot. Sa isip niya, she wasn't his type.

Masyadong liberated and flirtatious ang babaeng ito para sa kanya. He doesn't even care kahit pa litaw na litaw ang boobs neto at ang makurabang katawan ng dalaga. He had enough of women like her when he was in college. At ang gusto niya ngayon ay iba na, he wanted something else. Yung kakaibang babae, yung right girl para sa kanya. At ang right girl ay yung pakakasalan niya, yung maiiwan niya sa bahay na hindi maggagala and lalong hindi shoppaholic. What he like now is yung tipong suplada, malatigre at higit sa lahat mahirap kunin ang puso.

Napangiti sya ng sumagi sa isip niya si Kathryn. Nagtataka sya bakit hindi man lang niya nakuha ang atensyon ng dalaga, ni hindi nga napansin ng dalaga ang charms neto. Kung sa ibang babae lang ay sila pa ang gagawa ng paraan para makuha ang attention ng isang Daniel Padilla.

"She's really different!"paanas na bulong ni Dj sa sarili

"What?"dinig niyang tanong yun ng dalaga, pero di niya ito pinansin.

"My place or your place?"biglang tanong ni Jazmine kaya napatingin si DJ sa kanya, gustong gusto na netong tumayo at iwan na lang sana ang babaeng kaharap. Masyadong liberated talaga ang isang tulad neto. Angbilis naman kasing magtanong kung saan daw ba sila.

"I-i'm sorry, but i'm in a relationship right now."tugon na lang niya sa dalaga

Napataas ang kilay ni Jazmine, "But Lesther told me you were single."mejo may inis sa tono ng dalaga

"He didn't know, di pa kasi ako nagkukwento."sagot naman ni Dj.

"Oh well, okey lang naman, di naman malalaman ng girlfriend mo eh."sabi ng dalaga sabay kagat sa labi niya.

DJ can't believe it, hindi yata alam ng dalaga ang ibig sabihin ng 'in a relationship' at gusto pa talaga ng flirtitious na dalagang itong ituloy ang gusto niya.

Napaisip si DJ, paano ba nipya ito tatanggihan, paano ba niya ito sasabihin na ayaw niya sa kanya na hindi ito masyadong harsh sa pandinig at dating sa dalaga.

Gustong gusto na lang ni Dj na lamunin na lang sana sya ng floor para mag disappear na siya sa harap ng liberated na babaeng ito.

But hell yeah, blessing in disguise ng mapatingin siya sa entrance ng Barcino at mahagip ng mga mata niya ang dalawang babaeng pumasok doon. Familiar ang isang babae doon, at hindi siya nagkakamali, it was Kathryn.

Is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon