CHAPTER 4

6.3K 218 2
                                    

MARIA VERONICA
KASALUKUYAN akong nag-aayos ng buhok, may naririnig na lang akong tumatawag sa pangalan ko.

"Ate Maria!"

Lumabas ako sa balcony at nakita ko si Vennise na kumaway sa akin, nagwave din ako.

"Bakit Vennise?" Sigaw na tanong ko.

"Sama ka po sa amin ni Daddy!"

"Saan?"

"Sa beach po!"

B—beach?

"S–sandali lang. Kukuha lang ako ng damit ko."

"Okay, I'll wait po!" Sigaw na sabi nito bago pumasok sa bahay nila.

Ilan months na din ng palagi kong nakakasama si Vennise. Palagi niya akong inaaya na matulog sa kanila pero tinatanggihan ko siya. Naiilang kasi ako sa Daddy niya na si Trevor.

Kumuha ako ng ilan damit saka nilagay sa isang bag at nilagay ko na din ang gamot ko.

Pagkababa ko ay nadatnan ko sina Mommy na kumakain.

"Where are you going, Veronica?" Tanong ni Dad.

"Sa b–beach po, Dad."

Natigilan ito at pinakatitigan ako. "Are you sure na sasama ka? Narinig ko si Vennise na sumisigaw kanina."

"O–po, Dad. Para mabawasan yung takot ko."

"Mag-iingat ka anak. Pag may problema tumawag ka sa amin." Singit na sabi ni Mommy.

Humalik muna ako sa mga pisngi nila bago lumabas ng bahay.

"Are you ready?" Tanong ni Trevor.

First time niya akong kinausap ng ganito.

"O–oo." Sagot ko.

"Let's go." Anyaya nito at pinagbuksan pa ako ng pintuan.

"T–thank you." Sumakay na ako.

Kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.

Mabilis akong napatingin sa taong humawak sa kamay ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"T–trevor.."

"Are you okay?" Nag-aalala na tanong nito.

"O–oo naman." Tipid akong ngumiti sa kaniya.

Hindi naman kami close pero iba siya ngayon, noon kasi ay sinusungitan niya ako.

****
NAKATINGIN lang ako sa malawak na karagatan. Bigla kong nakita si Oliver.

Nakangiti ito sa akin at kumaway. Kumaway ako pabalik pero bigla siyang nawala.

Mabilis akong lumabas ng beach house at hinanap si Oliver.

"Oliver!" Tawag ko.

Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Pagbukas ko ng mata ay nakangiti ito sa akin.

Tumakbo ako sa kaniya at aakmang yayakapin siya ng maramdaman ko na nababasa ako. Napakurap ako bigla ng makita ko na papunta ako sa ilalim ng tubig.

Napaiyak na lang ako bigla habang sinusubukan na pumunta sa ibabang parte ng dagat.

"W–wala ka na naman, Oliver!" Umiiyak na saad ko.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko at pilit akong nilalayo sa malalim na parte.

"Fuck! What are you doing here, Maria?!" Sigaw pero galit na sabi ng isang lalake.

Pagtingin ko ay si Trevor. "T–trevor."

"What are you doing here?"

"Nakita ko kasi si Oliver, sinundan ko siya." Mahinang sagot ko.

Binuhat na lang niya ako bigla ng makarating kami sa dalampasigan.

"Are you okay now?"

Tumango ako at humilig sa dibdib niya habang buhat niya ako papasok sa beach house.

Pagkarating namin sa mismong kwarto kung saan ako nagstay ay ibinaba niya ako.

"Change your clothes, nag-aalala sayo si Vennise."

Tumango ako. Aakmang tatalikod ito ng tinawag ko ang pangalan niya.

"Trevor!"

"Hm?"

"Thank you kanina."

Tumango lang ito at ngumiti bago tumalikod. Napangiti na lang ako bago pumasok sa kwarto ko.

Napawi na lang bigla ang ngiti ko ng maalala ko si Oliver. Baka isipin niya ay pinagtataksilan ko si Oliver.

Fixing A Broken Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon