CHAPTER 19

5.1K 151 1
                                    

"AYAW mo ba magpahinga?" Tanong ni Trevor.

Umiling ako. "Hindi na para may kasama ka na naghahanda sa kasal natin."

Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. "Love love."

"Love love."

Yumakap siya sa akin at yumakap sa akin pabalik, nasa ganon kaming posisyon tumatakbo na lumapit si Vennise kasunod sina Thirdy at Vienna.

"Mama! Daddy!"

Humiwalay ako kay Trevor at lumuhod para magpantay kami ni Vennise.

"Namiss po kita."

Ngumiti ako at hinaplos siya sa buhok. "Namiss din kita, Vennise."

"Mom." Yumakap sa akin si Thirdy.

Hinaplos ko ang likod ni Thirdy.

"Thirdy tara laro tayo." Anyaya ni Vennise.

"S-sure." Magkahawak kamay pa itong lumabas ng bahay.

Nakatingin lang ako sa dalawang bata na papalabas.

"Aalis na pala ako ngayon, pinapahanap na ako ng asawa ko sa london."

Yumakap ako kay Vienna. "Ayaw mo ba ihatid ka na namin sa London?"

Umiling siya. "Hindi na para makapagpahinga din kayo."

"Ayaw mo ba magpaalam kay Vienna?" Tanong ko kay Trevor.

"Take care." Tipid na paalam ni Trevor kay Vienna.

Napailing na lang kaming pareho.

"Ang sungit talaga ng lalakeng 'to."

"Ang sungit talaga ng lalakeng 'to." Parehong sabi namin ni Vienna.

Natawa kaming pareho. "Osige na kailangan ko ng umalis."

"Mag-iingat ka sa biyahe, Vienna."

"Thank you, Veronica."

Hinatid ko siya hanggang sa gate. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likod.

Humarap ako sa kaniya at may ibinigay na bagay sa kaniya.

Gulat na napatingin siya sa akin. "Totoo ba 'to?"

Tumango ako at ngumiti. "Yes."

"Yes! Yes!" Nagtatalon pa ito.

Napatawa ako sa kaniya habang nakatingin sa kaniya.

"Ano pong nangyayari sainyo daddy?" Nagtataka na tanong ni Vennise nakakarating dito sa may gate.

May pinakita si Trevor na mukhang nagtataka ang dalawang bata.

"Buntis ang mama niyo."

"Yehey!"

Napangiti ako sa mga reaksyon nilang tatlo.

"May bago na kaming kapatid, di ba Thirdy?"

Tumango lang si Thirdy bilang sagot.

"Vennise dapat tawag mo na kay Thirdy kuya dahil magkapatid na kayo." Sabi ni Trevor.

"Okay po daddy." Sagot ni Vennise.


Fixing A Broken Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon