CHAPTER 6

5.8K 179 0
                                    

MARIA VERONICA

ONE WEEK na yung makalipas ng makita ako na ganon ni Trevor. Naging close na din kami pero hindi gaano.

Nakatingin ako sa kalangitan ng biglang sumagi sa isip ko si Oliver.

"Anong gusto mo ngayon, Mahal?" Malambing na tanong ni Oliver.

Humarap ako sa kaniya. "Okay na ako na kasama ka sa anniversary natin, mahal."

Ngumiti siya. "Okay, makakasama mo ako sa anniversary natin. Akalain mo tumagal tayo ng 4 years."

Nanlalambing na yumakap ako sa kaniya at sumandal sa dibdib niya. "Oo nga e, dahil sayo lumalaban ako sa takot ko mahal."

"Hindi lang dahil para sa akin, kundi para din sayo mahal."

Tumingala ako sa kaniya. "Punta tayo sa beach."

"Sakto, may beach house ako sa Panglao Island."

"Saan yon, mahal?"

"Sa bohol."

Napangiti ako. "Sige doon tayo."

"Mahal may tanong ako." Sabi nito.

"Hm?"

"If ever ba, ilan baby gusto mo?"

Tumingin ulit ako sa kaniya. "Bakit mo naman natanong mahal?"

"Syempre, may plano na tayo e."

"Tatlo mahal. Gusto ko panganay natin lalake, para may magdadala sa apelido mo." 

"Gusto ko yan, mahal."

Sumapit yung anniversary namin at may nangyari sa amin. Binigay ko ng buo ang sarili ko sa taong mahal ko, sakto naman na nagpropose siya.

"You're crying again." Napatingin ako doon sa may pintuan at nakita ko si Mommy at Daddy.

Pinunasan ko yung luha ko. "Malapit na yung anniversary namin, Dad, Mom. Pwede niyo po ba akong ipabook sa Panglao?"

"Anak.."

"Please, Mom."

"Mag-aalala kami kung mag-isa kang aalis." Sabi ni Mommy.

"Kaya ko naman po yung sarili ko e."

"Last time na sinabi mo yan, anong nangyari. Di ba nasaktan mo ang sarili mo?"

Natahimik ako bigla. "Please mom."

"Ang daddy mo ang magdedesisyon nyan." Sabi nito.

Tumingin ako kay Daddy.

"Fine, pero kasama kami ng mommy mo."

Napangiti ako at lumapit sa kaniya. "Thank you, Dad. Mom."

"You're welcome, Princess."

****

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa susi ng buksan ko yung Beach House ni Oliver.

Humarap ako kina Daddy. "Punta lang po ako sa kwarto namin ni Oliver, pahinga na po kayo."

"Sige anak, pag may kailangan ka puntahan mo lang kami sa kabilang kwarto."

Pumasok ako sa kwarto namin ni Oliver. Napaiyak na lang ako bigla ng mahiga ako sa kama at yumakap sa unan niya.

"Oliver, happy anniversary."

"Alam mo ba na namimiss na kita. Kailan ka ba ulit dadalaw mahal? Kahit sa panaginip lang. Pagod na ako sa lahat ng bagay, mahal pero may dahilan para lumaban ako."

"Dadalaw ako sa oras na makauwi ako ng manila, mahal."

"Kasi alam ko may nakakamiss na sa akin kahit imposible."

Naramdaman ko na lang na tumunog yung phone ko. Pagtingin ko si Trevor.

From Trevor: Hey, how are you?

Pinunasan ko yung luha ko bago umayos ng higa, kahit na nakayakap pa din ako sa unan ni Oliver.

To Trevor: I'm not fine.

From Trevor: Why?

To Trevor: Namimiss ko na siya e. 

From Trevor: Gusto mo bang puntahan kita dyan?

To Trevor: Wala naman ako sa manila e.

From Trevor: Where are you?

To Trevor: I'm in Panglao Island, Bohol with my parents.

From Trevor: Take care, if you need me just call me. Time to time, Maria Veronica.

Napangiti na lang ako at hindi na nagreply. Gumaan tuloy pakiramdam ko kasi alam ko hindi ako nag-iisa.

Fixing A Broken Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon