CHAPTER 13

4.5K 155 1
                                    

MARIA VERONICA

PAGMULAT ko ng mata ay nakatingin ako kay Trevor.

Hinaplos ko yung mukha niya hanggang maglandas yon sa labi niya. Hinaplos ko yon ng ilan beses.

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin saka ngumiti. "Good Morning, Doll."

"G–good morning too, T–trevor."

Niyakap niya ako sa bewang. "How's your sleep?"

"O–okay lang." Nahihiyang sagot ko.

"Bakit ka nauutal?"

"W–wala naman."

Napangiti siya at hinalikan na lang ako bigla sa labi.

"T–trevor!"

Natawa siya. "Sanayin mo ang sarili mo, doll. I will kiss you every second and every minute."

Nahihiya na tumalikod ako sa kaniya at naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likuran.

"Any regrets?"

Napatingin ako sa kaniya. "No." Sagot ko.

"Good to hear that because it was the best I did with you."

Hindi na ako nakaimik dahil nahihiya pa din ako.

Bumango na lang ako dahil nahihiya talaga ako. Saka nagbihis ng pumunta ako ng banyo.

"Saan ka pupunta?" Nagtataka na tanong niya.

"B–bababa na."

"Dito ka muna."

Umiling ako. "Ipagluluto ko kayo."

Ngumiti siya. "Dahil ba magiging asawa na kita kaya nagpapractice ka?"

"H–hm. Labas na ako." Yon na lang ang nasabi ko matapos akong makalabas.

Natigilan ako ng makababa ako. Nilapitan ko si Thirdy at Vennise.

"Thirdy. Ano ang suot mo? Bakit ka nakagown?"

"P–para may kalaro siya." Sabay turo kay Vennise.

"Hindi mo ba siya inaway?"

Umiling siya at tumingin kay Vennise na abala na naglalaro. "Hindi naman kita inaway, di ba?"

Napatingin si Vennise kay Thirdy bago tumingin sa akin. "Hindi po, Mama."

"Sigurado?" Nagdududa na tanong ko.

Tumango siya. "Opo, mabait po siya ngayon kasi po hinayaan niya po ako na bihisan siya bilang Princess Aurora."

Natawa ako at hinayaan na lang sila pero narinig kong may sinabi si Thirdy.

"Kung wala ka lang talagang kalaro hindi ko naman susuotin to e."

"Buti naman Thirdy nagustuhan mo yan."

"No."

"Akala ko ba ayaw mo akong malungkot? Bakit nagiinarte ka sa suot mo?"

"Kasi nga wala kang kalaro." Sabi ni Thirdy.

Napangiti na lang ako sa dalawa bago ko sila tuluyan iniwan para makapagluto.

Nang matapos ako ay sumakto naman na bumaba na si Trevor. Lumapit siya sa akin at hinalikan na lang ako sa labi.

"T–trevor."

"I told you, doll."

Hindi na ako nagsalita at pinagsilbehan muna ang tatlo bago ako kumain.

Fixing A Broken Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon