CHAPTER 8

5.5K 188 6
                                    

HUMINGA muna ako ng malalim bago pumasok sa bahay na sobrang tagal ko ng hindi binibisa mula ng mamatay si Oliver.

"Ma'am kamusta po?" Tanong ni Manang.

Ngumiti ako. "Okay naman po, kayo po?"

"Mabuti naman po, Ma'am namiss ka po namin."

"Ako din po, nandito po ba si Tita Oliv?"

"Oo, nandoon sa may playroom ni Thirdy."

"Ganon po ba? Pupuntahan ko po muna sila." Paalam ko.

Umakyat ako, natigilan lang ako ng madaanan ko yung room ni Oliver. Umiwas ako ng tingin at dumeretso sa playroom ni Thirdy.

Kumatok muna ako bago binuksan ng konti. Nakita ko sila na naglalaro, nakaramdam tuloy ako ng inggit.

Sarili kong anak, ang layo ng loob sa akin.

"Hija, ikaw pala. Come in."

Tahimik akong pumasok at lumapit sa kinaroroonan nila. 

"Anak..."

Tumingin siya sa akin pero umiwas ito ng tingin. Nakaramdam ako ng pagbigat ng loob.

Nilunok ko yung kaba na nararamdaman ko at niyakap ang anak ko mula sa likuran. Bigla na lang siyang umiyak.

Humarap siya sa akin at yumakap. Hinaplos ko yung buhok at likod niya. "Shh, stop crying Thirdy. Nandito na si Mommy. Babawi si Mommy."

Luhaan na tumingin siya sa akin. "Please, don't leave me again mommy."

Pinunasan ko yung luha niya at ngumiti. "I will not, Baby."

***

Nagising na lang ako na may yumakap sa akin ng sobrang higpit. Nagmulat ako ng mata.

"Good morning, Mommy."

"Good morning too, Thirdy. Tara punta tayo sa kabilang bahay." Anyaya ko.

"Sino po yung nakatira doon, Mommy?"

"Sina Tito Travor at si Vennise."

"Sila po ba yung kasama niyo doon sa restaurant?"

Tumango ako. "Yes, Baby."

Sumeryoso siya. "Boyfriend niyo po ba yon?"

Nanlaki yung mga mata ko. "Hindi, Thirdy."

Tumango lang siya. "Let's go, Mommy."

Sinuklay ko muna yung buhok niya bago ako bumangon at naghilamos bago kami lumabas ng bahay. Nakakahiya naman kay Trevor.

"Good morning, Ate Maria!" Bati ni Vennise.

"Good morning din, Vennise. Wala yata daddy mo?"

Sasagot na sana si Vennise sumakto naman lumabas si Trevor. "Do you miss me, Veronica?"

"Heh!" 

Natawa siya. "Let's get inside. Hayaan mo muna yung mga bata dyan."

Pumasok naman kami sa loob ng bahay. Umupo muna ako, siya naman pumunta ng kusina. 

May inabot itong mangkok na may laman na cookies at may gatas. "Thank you, Trevor."

"You're always welcome, Veronica."

"Alam ko hindi ka pa kumakain."

Nagtataka na tumingin ako sa kaniya. "Paano mo nalaman?"

"Look at you." 

Napatingin naman ako sa sarili ko. Napangiwi ako kasi nakapadjama lang ako saka tshirt.

"Wala ka bang pasok?" Pag-iiba ko.

"Hindi ako pumasok."

"Bakit naman?" Nagtataka na tanong ko.

"Tinatamad ako e."

Napailing na lang ako. Kumain na ako at hiniwalay ko yung para kay Thirdy.

Lalabas na sana ako para ayain si Thirdy, nang may marinig kaming umiiyak.

"Si Vennise!"

Tumakbo ako at nakita ko na nakahiga sa damo si Vennise.

Tinulungan ko siyang tumayo. "Anong nangyari?"

"Tinulak niya ako, Ate Maria." Umiiyak sa sumbong nito.

Napatingin ako kay Thirdy, masama ang tingin nito kay Vennise. 

"Vennise, pumunta ka muna sa Daddy mo. Kakausapin ko lang si Thirdy."

Tumango siya at lumapit sa daddy niya. Ako naman nilapitan ko si Thirdy. "Bakit mo naman ginawa yon, anak?"

Umiwas siya ng tingin. "Please, sagutin mo si Mommy."

"She want you to be her mommy."

"Wala naman masama doon, Anak."

"Pero mommy, I don't like that."

"Okay lang yon, Thirdy."

Umiling siya at yumakap sa akin. "No, Mommy. I don't want her to be my step-sister."

Napangiti na lang ako at niyakap siya pabalik. Advance mag-isip ang anak ko.

Fixing A Broken Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon