16. Plan

440 28 0
                                    

16. PLAN

THIRD


“That fvcking bastard is the reason why my daughter almost have become a ghoul. I'll make sure that he will pay big” bakas ang galit at lamig sa boses ni Cheshire. Hawak nito ang kamay ni Tricia na mahimbing na natutulog. Nakaupo sa tabi nito si Jaylou na nakayukyok sa kama na hinihigaan nito.

“Don't be too angry Love.. Makakasama sa'yo ang masyadong magalit” pagpapahinahon ni Calum sa asawa. Huminga ng malalim si Cheshire saka humarap kay Calum.

“Ayokong nagagalit Mi Eros, but that fvcking bastard.. Hindi ako hihinahon hangga't di napapatay ang hayop na yon” tugon nito saka pagdabog na lumabas ng kwarto ni Tricia sa kanilang mansyon.

Inuwi rito ni Jaylou si Tricia matapos itong maturukan ng antidote at malinisan. Ang sabi kasi ni Calum ay anumang oras ay lulusob na si Jarod sa laboratoryo upang dakipin si Tricia.

Nalaman ng kampo nina Calum na may balak itong kunin si Tricia dahil nalaman nito ang naging epekto ng laway ng Ghoul sa katawan ni Tricia. Gagawing sandata ni Jarod si Tricia laban sa kanila dahil ang alam nito ay wala parin itong alaala.

Iniangat ni Jaylou ang ulo ng lumabas na pareho ang mag asawa. Tiningnan niya si Tricia, inangat niya ang kamay nito saka hinalikan ang likod ng palad nito.

“Wife.. Alam mo ba? Yung Jarod na nakilala mo noon at botong boto satin pati na si Mama.. They are dead. Pinatay sila ng kapatid ni Papa na nag papanggap ngayon bilang sya at ang asawa nito bilang si Mama.. Your father told me about it when we arrived here.. I'm in pain right now wife.. Isipin ko palang na nagalit ako sa mga magulang ko na hindi ko naman talaga pala magulang. Niloko nila ko pati na ang kakambal ko.. Nang dahil sa kanila nalayo ako sa'yo noon at nasaktan ka..”

Yumuko sya habang hawak parin ang kamay ni Tricia.

“Please wake up.. I need your kisses and hugs right now..” nakapikit niyang saad.

And in a minute, he felt being hugged by someone. Dun nalang niya napansin na gising na si Tricia at mukhang narinig nito lahat ang mga sinabi niya.

“They'll pay hubby.. Now we know the truth, kikilos na tayo ng walang pag aalinlangan.. Bibigyan natin ng hustisya ang ginawa nila sa mga magulang mo” saad nito sa kalmadong boses. Jaylou felt so lucky to have this woman and love her in all his heart. Naramdaman ni Jaylou ang paghalik nito sa noo niya saka ang pag higpit ng yakap nito.

“Since they want a war.. We'll give them what they want. Yung triple.. Yung tipong hahalik na sila sa lupa” dagdag pa nito.

“Thank you for waking up, wife.. I love you..” iniangat niya ang ulo, sinalubong ng mga mata niya ang kulay pulang mga mata ni Tricia.

“I love you more..” tugon nito at naramdaman ni Jaylou ang pagsakop ng mga labi nito sa labi niya.







“The Yakuzas and the underlings are ready to take your command” imporma ng under boss na si Seniichi sa kanilang Higher Boss na si Cheshire, blangko itong nakatingin sa hawak na babasaging baso. Kababalik lamang ni Seniichi galing sa misyon sa Europa at napabalik sya dahil agad syang pinatawag na nakatataas na Reyna. Alam niya na buhay ang kanyang matalik na kaibigan ang at ang mga nangyayari sa buhay nito ngunit talagang mahalaga ang kanyang misyon nung nakaraan kaya't ngayon lamang sya nakabalik.

Pinaikot ni Cheshire ang lamang Rum ng baso saka bumuntong hininga. Ibinaba niya ang paa na nakapatong kanina lang sa mahogani na mesa bago nilingon ang binata.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now