Kabanata 25

2.4K 100 1
                                    

KABANATA 25

Two Months Later

Maraming nangyari sa dalawang buwan na lumipas. Kapwa kami mga nagttraining sa Ground Zero kasama ang ilan pang mga tauhan namin. Nanatili ako bilang Tricia lang sa paningin nila, hindi bilang reyna kundi kung sino lang talaga ako. Si Jaylou ay naging abala sa tungkulin niya lalo pa't pinagdududahan sya ng ilang kaalyansa naming mafia.

Hindi ko rin maiwasang mag alala lalo pa't minsan na lang kaming magkita. Dalawang linggo na ang nakakaraan nung huli ko syang mayakap at mahalikan.

Isang beses ko pang ibinalibag ang huling kasparring ko bago ako tuluyang bumaba ng ring at uminom ng tubig. Iyon na ang huling kaisparring ko sa araw na 'to at bukas makalawa ang susunod. Marami sila kasama pa ang house of cards. Nilapitan agad ako ni Inada at inabutan ng malinis na twalya.

"You did great, Queen" she looked proud. Ngumiti lang ako at nagpunas ng pawis.

"Mamaya daw ang dating ni Mariko at ni Eros. Sasalubungin ba natin?" she asked. Tumango ako at humarap sa kanya.

"Kaya magpaganda ka na, yung crush mo parating na"

Namula agad ang mapuputlang pisngi ni Inada at napasimangot na. Napapailing na naglakad ako palayo dahil baka mahampas ako ng loka loka pag kinilig na.

She has a huge crush with Eros kahit pa bato iyon. Tahimik at bilang lang ang salita, para kasing boy version ni Hana si Eros dahil pareho sila ng ugali at malakas mantrip.

Ewan ko kung bakit niya nagustuhan ang batong iyon, nakakapagtaka lang minsan.

Dumeretso ako sa silid ko at ganun na lang nalaglag ang panga ko ng makita ko si Jaylou na nakaupo sa may kama at natutulog. Mukhang kadarating lang nito dahil hindi pa ito nakakapagbihis at halatang pagod na pagod ito. Ngayon lang kasi ito humilik nang ganito kalakas at nakanganga pa.

Sinupil ng ngiti ang labi ko at naglalambing na umakyat sa kama at yumakap rito. Gumalaw sya ng kaunti saka ako niyakap. Naramdaman ko ang pag singhot niya.

"Pawisan ka.. Ang bango mo lalo..." he huskily murmured saka pinatakan ng halik ang noo ko. Mukhang nagising ko sya sa pagpanik palang sa kama.

"Pagod na pagod ka?" I asked.

Tumango sya at mas niyakap pa ko.

"Pagod na pagod.. Pero mas miss kita.." he chuckled.

"Matulog ka na muna.. Maya na yung miss miss" nangingiting saad ko at kumalas na sa kanya. Nakapikit na ngumuso sya.

"Payakap.." maktol niya.

"Heh, maliligo pa ko. Mamaya ka narin magbihis. Matulog ka na muna" usal ko at iniwan na ito.

Sa twing magkikita kami ay mas lalo lang syang nagiging clingy, to the point na gustong gusto niyang nakasabit sa'kin. Para syang bata pero natutuwa rin ako sa kacutean niya.

Ilang minuto lang akong naligo at nagbihis dahil miss na miss ko narin sya. It's better to cherish him dahil nalalapit na talaga ang gera at katapusan ng buhay ko.

"Hubby.." tawag ko rito ng umakyat akong muli sa kama at humiga sa katawan niya. Niyakap naman agad ako ng dalawang braso niya. I nuzzled my nose on his neck. Ang bango parin..

Hindi sya sumagot dahil tulog na tulog na talaga sya. Nakangiting natulog narin ako sa katawan niya na ginawa kong higaan ko.

Alas onse na ng gabi ng magising kaming dalawa ni Jaylou. Sinalubong rin namin sina Mariko na kadarating lang. Pinakilala ko pa sila sa House Of Cards bilang mga kaibigan ko. At ngayon, we're having late dinner since kakagising lang namin ni Jaylou na ngayon ay nakapulupot parin ang katawan sa'kin.

Sinusubuan ko na lang sya dahil mukhang antok pa, tutal kaming dalawa nalang rin rito sa ibaba dahil tulog na ang iba.

"Wife.. " he yawned and rest his chin on my shoulder. Namumungay ang kanyang mata dala ng antok ngunit patuloy sya sa pagnguya ng carbonara.

"Hmm?"

"Namiss kita" naglalambing niyang sabi.

"Namiss din kita"

"Dalawang linggo kitang hindi nakita, mas napagod ako sa pagkamiss ko sa'yo.." nakangusong saad niya.

"Mas nakakapagod?"

"Yeah.. Nakakawalang gana gumalaw, muntik pa kong masapok ni Tita ng bahingan ko yung bangkay na iaautopsy nila"

"Autopsy?"

"Hmm.. We've found out na may itinuturok ang kampo nina Jarod sa mga tauhan nila. Yung mga nakalaban namin grabe ang bilis at nagmukhang werewolves ang itsura. Malakas din pero kinaya rin"

Nanayo ang balahibo ko. Grabe ang bilis at nagmukhang werewolves?

"They move like a monster, we've tested some corpses at nakita namin na humalo ang RNA sa DNA ng mga bangkay. Halos magkagulo ang mga tao sa laboratory ni Tito Calum dahil hindi kapani paniwala na pwedeng nasa iisang katawan ang RNA at DNA" kwento niya

"Imposible nga yon dahil para sa hayop ang RNA,"

"Hmm.. Yun nga, nakita rin namin mismo ang pagtuturok ng mga tauhan ni Jarod sa mga hindi pa natuturukan. Hula ni Tita, yung laman ng syringe ang may RNA at iba pang kemikal"

Sinubuan ko pa sya ng isa tsaka pinainom ng tubig.

"Gagawin talaga ng ama mo ang lahat manalo lang sa gera"

"Pero gagawin din natin lahat para mapigilan sya. Kung magpapatuloy ang ginagawa niya ay baka pati ang mga ordinaryong tao ay madamay" turan niya matapos lunukin ang isinubo ko.

"Gagawin natin talaga ang lahat, patay kung patay" usal ko.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa silid. Magkayakap na nanuod ng palabas na Kissing Booth na patok na patok ngayon. Hindi pa nga namin natapos dahil muli kaming nakatulog.

Kinabukasan ay sabay kaming gumising ni Jaylou. Magkasabay din kaming umalis at nagpunta sa opisina kung nasan si Momma at Tito Victoire dahil nagtext ito na gusto kaming makausap.

"Tito" usal ko at humalik pa sa pisngi nito "Momma" turan ko at niyakap ito. Nasa likuran ko lamang si Jaylou at nakahalukipkip.

"Bakit niyo po kami ipinatawag?"

"We're going to open Chaos University"

Nagkatinginan kami ni Jaylou at pareho pa kaming nagsalubong ang kilay.

"Hindi pwede tita.. Mas lalong-

"Pwede, we need a bait. Kung malalaman ni Jarod na itutuloy ang pasok sa CU ay gagawa na sya ng hakbang. Papasok na kayo sa school at itutuloy ang naudlot na CER. Pasekreto rin nating ititrain doon ang mga estudyante para makapag handa sa nalalapit na gera."

"Pero maraming madadamay, ma"

"Oo, marami. Pero kokonti yun pag naging marunong nang makipagsapalaran ang bawat estudyante. Mga anak ng gangsters, yakuzas, agents at mafia lords ang mga estudyante ron. At hindi sila basta basta makakapasok sa unibersidad kung wala silang ibubuga" si Tito.

"And as the emperor Jaylou. You will lead them together with the Imperial Government."

Napabuntong hininga si Jaylou, halatang nawawalan narin sya ng choice. Miski ako ay nagdadalawang isip dahil higit apat na libo ang estudyante sa CU at kapag gera na ay sigurado akong mangangalahati yon.

"Trust the students. Hindi tayo makikilala bilang nangungunang eskuwelahan sa tatlong isla kung mahina ang mga estudyante. Malalakas sila at may ilalakas pa. "

"Okay.. I'll lead them together with Tricia and the Imperial Government"

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now