KABANATA 4

6.2K 194 3
                                    

KABANATA 4


"Emp, you should take care of yourself. Hindi ka na naman kumakain" ani Johanne habang naglalapag ng mga baunan na may lamang pagkain sa harap ni Jacob. Hindi ito umimik at pinagpatuloy ang pagpipindot sa kanyang computer.



"I heard that your Queen passed her enrollment form earlier. Kaya ba tumambay ka sa registrar kanina?"



Don na natigilan si Jacob at makikita ang mapulang tinta sa pisngi niya. Johanne grinned and brushed his hair up.


"Jade talked to her. You should keep an eye on her, I don't  anyone close to her" aniya sa mababang boses.



"Alright Emp, I won't let that scheming bitch close to the Queen" sagot nito at nagpaalam nang umalis. Jacob sighed and looked at the door where Johanne went.



"Make sure that she'll be safe.."


TRICIA


"What do you think? Mas pinaganda ko ang room mo dahil alam ko na mahihirapan ka sa ranggo mo ngayon" Tito Victoire asked habang tinitingnan ko ang kabuuan ng kwarto na titirhan ko pansamantala.


"Okay na ko rito, sana naman ay walang nakapansin na pumanhik kayo rito" ani ko at umupo sa sofa na nasa sala.



Maliit lang ang kwartong ito. Halos kalahati lang ng kwarto ko sa family house. Pero okay narin dahil inayos naman ni Tito sa tiyak niya magugustuhan ko.



"Kailangan magfocus ka sa pagpapataas ng ranggo mo. Every end of the month ay may written test at physical test. Dun ibabase ang magiging ranggo mo dahil yun ang resulta ng araw araw na pagpasok mo sa mga klase mo" pagpapaalala nito.



"Hm, that would be easy.." tipid na tugon ko.



"Madali man pero kailangan mong mag ingat. Pinapaalala ko na gusto mong mamuhay ng walang special treatment kaya hangga't maari ay hindi ako makikialam sa mga issues mo, maliwanag?"



Halos tumaas ang kilay ko. Oo nga gusto ko pero bakit inayos niya ang kwarto ko kung gusto ko naman ang masusunod. Kahit kelan talaga tong tiyuhin ko.



"Oo naman, may ipapaalala ka pa ba?" Tanong ko.



Hindi ko ugaling i-po si Tito dahil ayaw nito at apat na taon lang rin naman ang agwat nito sa'kin.



"Your mother asked if you want to take a look and change the rules and regulations in the school's handbook."

Sabi ko ayaw ko ng special treatment, pero bakit kailangan ko pang tingnan at palitan ang rules rito.


"I'm not a fan of uniforms so change it. Short skirts aren't allowed. Disturbing noises are prohibited yun lang" mabilis kong sagot




"Got it, Im gonna take my leave. See you when I see you.." Anito saka humalik sa'king pisngi. Ngumiti lamang ako ng tipid at kumaway sa papaalis nitong bulto.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now