2 STEPS

15 1 0
                                    

Flashback

- /a sudden, vivid remembrance of the past/

" Ayoko na, bakit ba kasi nursing ang kinuha ko?" Nasa cafeteria ako kasama ang mga barkada ko. Iba't ibang kurso rin ang kinuha nila.

" Same, ayoko na! ayoko na sa math" iyak ni Jona sabay kain ng burger.

Electrical Engineering ang kinuha ni Jona dahil yun ang pangarap ng kanyang ama na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil nabuntis nito ang kanyang ina kaya naman bilang panganay siya ang tatapos sa pangarap nito.

" Huy Jona! Kailangan mong magtapos ng kursong yan, ikaw ang pag-asa ng pamilya mo," turo naman ni Prancene.

Si Prancene ay accountancy naman ang kinuha. Matalino ito at sigurado akong makakapagtapos ito sapag aaral, hindi kagaya ko na parang walang patutunguhan. Siya yung tipo ng tao na nasa kanya na ang lahat, matalino, talented, mayaman at maganda pa.

"At ikaw naman Allyson Resteen De Clara, kaya mo yan! Ano ka ba! Ikaw nga tung pinakamatalino sa amin" turo nito sa akin habang hawak hawak ang tinidor

" Tsk, eh kasi ang hirap. Ayoko sa mga Prof ko! Tsaka wag mo nga akong tawagin sa full name ko. Allyson, Ally nga sabi". Umiling nalang ito sa nagpatuloy sa pagkain

Ayoko talagang tintawag sa full name ko, ang baduy kasi ng Reestena.

" Bakit kasi Reesten bes? Nakalimutan nyata nila tita na lagyan ng K sa unahan," tawa naman ni Jona.

"Heh, tawa ka diyan, kainin mon a nga yang pagkain mo para may masagot ka na sa test ninyo sa Calculus" irap ko rito.

" O, nasan pala si Lizzie?" tanong ni Prancene

Apat talaga kaming magbabarkada. Friends na kami since elementary hanggang nag college kaya close na close talaga kami nila.

"Ah, may klase pa siya ngayon kasi na change yata ang sched niya."

Patuloy nalang kaming kumakain habang iniisip ko parin ang kung paano ako makakaraos ngaying gabi dahil sa raming libro na dapat kong basahin at maytest pa kami sa bio na hanggang chapter 3. Makakaya ko ito! Laban lang!

Sinulat ko muna lahat ng dapat kung gawin ngayong gabi para naman alam ko kung ano ang uunahin. Mahilig rin kasi ako magsulat ng schedules para mas organize. Sinumulan ko sa bio hanggang nagtuloy tuloy na.

"Oh kamusta yung test mo Ally?" tanong ni Prancene sa akin. Narito kami sa usual na tambayin namin, ang library. Nasa dulo kami ng mga shelves dahil wala naman masyadong pumupunta rito kasi mga old books narin ang nilalagay rito. Nakaupo lang kami sa sahig habang pa sekretong kumakain, bawal kasi ang pagkain sa library.

"Okay lang naman. Sana Malaki ang score ko dun! Please lord" pumikit ako at nagdasal na sana makapasa ako at Malaki yung score ko, please lang lord, help me.

"Ikaw pa Ally, alam naming kayang kaya mo yan. Easy lang yan para sa iyo" ngiting sabi ni Jona sa akin

" Yes Ally we know na super smart mo so kaya," conyong sabi ni Lizzie sa akin

" You are so conyo Lizzie"sabi ni Jona habang sinusunod ang moves ni si Lizzi

" I hate you Jona" parang bata si Lizzie na nagmamaktol at lumapit kay Prancene

" Look Prancene, Jona is teasing me again" sumbong nito at umarte pang umiiyak

Tumawa nalang kami ni Prancene sa kanila habang patuloy parin ang bangayan nila. Swerte talaga ako na naging kaibigan ko sila. I always have their back sa kahit anong laban at ganun rin ako sa kanila/ For almost 10 years of friendship, kilalang kilala na naming ang isa't-isa and no one, will ever break this friendship.

After LightWhere stories live. Discover now