3 STEPS

15 1 0
                                    

First Meeting

 -/ "Meeting you was like listening to a song for the first time and knowing it would be my favorite"-ctto/

"Ally nasaan ka na ba?!Kanina pa kami rito" sigaw ng mga kaibigan ko

"Oo na malapit na" sagot ko sa tawag nila. Natagalan kasi ako sa pag gising . Alas 10 dapat ang oras ng kita namin pero 10:30 na ako nagising. Tinapos ko pa kasing basahin ang mga chapters 1-10. Para mamayang gabi mas madali ko nalang isaulo ito.

Di na ako kumain at tinakbo ko na talaga ang hintayan ng mga jeep. Sa isang mall ang salon na aming puputahan. Naroon na silang lahat at ako nalang ang wala.Mag aalas 12 na ngunit nandito parin ako sa jeep.

Malas naman kasi itong jeep. Tadtad na ako ng text mula sa mga kaibigan ko. Patay ako nito baka ako pa ang makalibre nito!

Nasa may New Avenue na ako ng magpasiyahan kong bumaba upang lakarin nalang ang shortcut papunta sa mall kasi kung uupo lang ako,malabo pa akong makarating sa mall dahil sa traffic. Tinakbo ko ang Bonifacio street na isang uphill road. Mga private cars lang ang nakakadaan rito dahil hindi naman ito kasali sa mga routa ng jeep.

Hingal na hingal na ako kakatakbo rito dahil narin sa napakataas nito. May isang nakabisiklita ang pababa sa aking kinaruruunan. 

"Tabi!" sigaw ng lalaking nag bibisekleta at pagewang gewang ito at palapit sa akin!

Hindi ako makagalaw at huli na rin, pinikit ko ang aking mata at hinanda ang sarili sa maaring pag bangga

"Aray!" kinapa ko ang aking sarili para tignan ang aking mga sugat ngunit wala. Pagtingin ko sa aking kilid ay naroon ang lalaki, binangga niya pala ang sarili sa basurahan para hindi ako mabangga.

Hala! Dali- dali ko itong nilapitan at tinignan ang mga sugat. Galos lang naman ang nakuha. Pero dapat tung magamot at mabuti nalang may first aid kit ako dahil isa rin itong requirement sa Nursing.

"Okay kalang? gagamutin kita" tinignan ko ang galos nito at hinipan ang tuhod

"Okay lang Miss" sagot nito sa akin. Umangat ako upang itoy pasalamatan sa pag iwas ng kaniyang bisikleta ngunit ang nakita ko ay nakangiting lalaki na para bang hindi ito nagalusan at ang kangyang mga mata na nakatingin sa akin, asul na mata. At naramdaman ko nalang ang pagtibok ng puso ko.

After LightWhere stories live. Discover now