CHAPTER 2
♫ "I tried to run from your side, but each place i hide, it only reminds me of you..♫
♫ When I turned out all the lights, even the night, it only reminds me of you.."♫
Binuksan ko muna ang mp3 ko habang hinihintay ang next professor. Nasa labas sina Merlaine at Jeeyan at ang paalam eh maghahanap daw ng gwapo sa school. Psh. As if meron. >.<
Si Kith naman, nasa library, hayun at nagbabasa. Sya pinakamatalino sa min e. Actually, lahat kame may ibubuga. Scholars eh. Sina Merlaine at Jeeyan, (kambal sa group but in actions lang pero di sila magkamag-anak :D) 50%, Si Deena, ako at Althea, 75% at syempre si Kith, 100% Scholar. Talino e no :P
Hindi naman ako naiinip basta ba music ang itatapat mo sakin. Mahilig din akong sumayaw like Thea. Pag minsan nga, sa loob ng classroom, basta may magpapatugtog ng nakakaindak, sasayaw talaga kame. Ganun namin ineentertain ang mga classmates namin kapag bored sila at walang professor.
Speaking of Thea, nasan na kaya yun? Kanina ko pa hindi masight.
"LEAH, NAKITA MO BA SI THEA??" tanong ko sa classmate kong nadaanan ako at palabas ng room.
"Ang lakas naman ng boses mo Courtney. Tanggalin mo kaya yang nakasaksak sa tenga mo no! Hahahaha."
"Ha?" curious kong tanong dahil parang di ko narinig sa lakas ng music (nasa bridge na kase :P)
Sumenyas na tanggalin ko ang earphones ko.
"Ayy.. Sorry. Hehe. San si Thea?" Tinanggal ko ang earphones.
"San pa nga ba? Malamang sa canteen. Ginugutom na naman siguro ang tabachoy na yun. "
"Aish. Di man lang ako sinama >.<"
"Mabuti pa puntahan mo na lang dun. Tapos magpalibre ka. Hehe", suggest niya.
Sinagot ko ng ngiting nakakaloko si Leah tsaka lumabas. Alam nyo na yun. Hehe >:D
Natatawang umiiling si Leah bago ko inunahang lumabas sa pintuan.
Isinuot ko ulit ang earphones atsaka naglakad papuntang canteen 2 (canteen na malapit sa Business Ad Bldg.)
Sa paglalakad ko, may mga nakasalubong akong IT students. Pero hindi ko nakita si Deena. Puro mga lalake kase. At since bago pa lang ako sa school, wala pa akong masyadong kilala maliban sa mga classmates ko at ang officers ng Supreme Student Council kahit one month na simula nang nagstart ang klase.
Nung high school ako, basta may naispatan akong "gwapo" eh, napapatitig talaga ako nang matagal. But now? Nagbago na ko..
After ng nangyari samin nina Kian at Clariz.
(Gwapo for me is = Tall, Dark, Handsome, malakas ang sex appeal at higit sa lahat.. suplado. Weird no? E sa mga ganun ako naattract e. Kanya kanyang trip lang yan. LOL :-P)
*FLASHBACK*
1 year and 3 months ago.
- - - - - -
Around 6 PM na nasa mall pa kame nina Clariz, Amy, Jamae, Chris, Marc, Oms, at Kian. Sila ang mga other peers ko nung high school.
Nagpapalamig lang.
These past few days hindi na ko sumasama sa mga lakad nila cause i smell something fishy sa group. Pinilit lang nila ako tonight kasi daw ang dami ko ng namiss sa mga lakad namin. Hindi na rin ako makatanggi kase makulit sila, sobra. Nakakalusot lang ako kapag inaya nila ko through text. Pero sa personal? Malabo.