"Courtney, anak.."
"Ma? Ang sakit ng ulo ko.."
Nagising ako sa kwarto ko. And hindi ko maexplain ang feeling. Ang bigat ng pakiramdam ko.
"Nilalagnat ka anak.. Yan na nga ba sinasabi ko eh.. Nakatulog ka sa attic kanina."
"Ma, yung project ko tap.."
"Tinabi ko na. May sakit ka na nga, pag - aaral pa rin nasa isip mo. Pinapabayaan mo na naman sarili mong bata ka.." habang hinahaplos ni mama ang buhok ko.
"Okay lang ako ma. Wag kang masyadong mag - alala sa baby mo. Gamot lang katapat nito." hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.
Kahit gaano pa kabigat ang pakiramdam ko, nawawala ang lahat ng ito dahil kay mama.
Pano pa ba ako susuko nito, e ang tindi ng source of strength ko? Hihihi ^_^
SUBMISSION OF WORKS.
**cuckoo!! Cuckoo!! Cuckoo!!**
Napabalikwas ako sa kama nang marinig ko ang alarm clock na nasa side table. (Classic syempre 😂)
"Aaaaaaaah!! Fudge! Late nako! *achoo! *sniff.sniff*
Halos di magkandaugaga sa pagpasok sa banyo para maligo at magayos. Parang sinapian ni The Flash. Ambilis makabihis. (Uy, naligo po ako. Wag kayong denial - madalas ginagawa nyo 'to! Hahaha) ^__^
Pagdating sa campus ay wala nakong nakasalubong na kakilala ko. Puro mga ibang department na. Ibig sabihin guys.. I'm super late. And dead -__-
Sumilip ako sa pinto at napalingon lahat sakin with a Patay-ka-na-naman-Court-look. Nakita kong lumingon si Ms. Dimaculangan at sumenyas na pumasok ako.
"Take a seat Ms. Madrigal. We'll talk later."
Uh-oh 😱
"Yes ma'am." Mahina kong sabi.
Ipinatong ko ang portfolio sa babaw ng mesa ko at sumenyas kay Althea kung nagpasa na ang ibang group. Umiling sya.
Huminga ako ng malalim at kinuha na lang ang aklat sa bag.
After an hour.
"Class dismissed. Ms. Madrigal, please stay."
**Dugdug.. dugdug.. dugdug..**
"Hintayin ka namin sa labas. Goodluck O__o" sabi ni Althea.
Tumango ako nang bahagya saka dahan dahang lumapit sa tila maghahagis ng estudyante sa kweba ng leong mukha ni Ms. Dimaculangan.
"Ma'am.." mahina kong sabi.
"You are late again Ms. Madrigal. What is your excuse for today?"
"Ma'am sorry. Alam ko po hindi excuse to pero tinapos ko po kasi yung project maghapon saka masama po ang pakiramdam ko. Baka po dahil nabasa ako kahapon sa ulan. Pasensya na po, di na mauulit."
"Well, you better not be. And your project should be worth all of this or else.."
Napalunok ako habang kinukuha ni Ms. Sungit ang portfoliong ipinatong ko sa mesa nya. Pinagmamasdan ko sya habang inililipat nya ang mga pahina nito. Parang puputulan ako ng hininga sa kaba.
"Well Ms. Madrigal. You better say thank you to this portfolio. It saved you. I'm actually quiet impressed. Although it need some improvement when it comes to external design, I can say the content is quiet impressive. I'll let you pass this time. That's it. You may proceed to your next subject."