CHAPTER 5
Sunday. Day off. Homeworks, Projects day.
Umuulan pa rin hanggang ngayon. Pano ako lalabas nito? Aish. Kailangan ko ng gawin yung compilations ko! Bakit naman kase this week na ang deadline eh. Papatayin ba nila kame? Haisssshh! >.<
Wala akong choice kundi gumamit ng payong, lumabas at mag abang ng jeep papuntang book store. Puteeeek! :-/
Sa wakas naman at nakarating ako ng National Book Store. I immediately look for the materials i needed. I am fond of staying at this book store because of the different books they have. Nagtatagal talaga ako dito kapag free time ko. But not this time. Gustuhin ko man, di ako pwedeng magtagal dahil kailangan kong tapusin ang project ko today. Baka di ko sya masingit sa office. Scratch pa lang kasi lahat nagagawa ko. Ifa-finalize ko pa at ang design, dapat corporate look daw. Kakarampot lang talent ko dun! Hay, Hazzle! >,<
Yakap - yakap ko na ang green morocco folder, short bond papers, sign pen, pentel pen, glue, at iba pang art materials na gagamitin ko for my project.
Sa pagmamadali ko, nagulat na lang ako nang biglang nagsalbagan ang lahat ng hawak ko sa flooring.
(O.O)
Nabangga ako ng isang ng isang di katangkaran, maputi at payat na lalaki!
"Aish! Ano ba naman yan kuya, dahan dahan ka naman." habang di ako magkandaugaga sa pagpulot ng mga nahulog na art materials.
"Sorry Miss.. Ikaw din naman kase e, nagmamadali ka din tsaka di ka tumutingin sa dinadaanan mo kaya nabangga kita.. Tulungan na kita. Sorry ulit." paliwanag niya.
"Whaaaaatt??! Aish." sa pagmamadali ko ay di ko na lang pinansin ang inis ko sa mga sinabi nya. Hindi ko na rin sya hinayaan pang magsalita. Pagkatapos naming mapulot ang mga materials, dali dali na akong nagpunta sa counter at nagbayad.
"Miss sandali!"
Tumalikod ako para tignan saglit ang tumatawag.
"Aish.. Yung makapal na lalaking yun pala." Inisnab ko lang sya atsaka nagmamadali na ring lumabas ng book store.
Malapit lang ang NBS sa Subdivision namin. Pero dahil umuulan, natagalan ako sa byahe. Hindi ko hinayaang mabasa ang mga gamit na binili ko kung hinde, masisiraan na talaga ako. >.<
Habang nakaupo sa jeep, napatitig ako sa hawak kong plastic na pinaglagyan ng mga art materials na binili ko. Naalala ko yung lalaki kanina.
"Sorry Miss.. Ikaw din naman kase e, nagmamadali ka din tsaka di ka tumutingin sa dinadaanan mo kaya nabangga kita.. Tulungan na kita. Sorry ulit."
Nagflashback sakin ang mga sinabi nya. At parang ngayon ko lang naabsorb lahat sa pagkakaupo ko.
Yung lalaking yun. Ang kapal naman niyang sabihan ako ng ganun! Ako pa daw ang di tumitingin sa dinadaanan ko e ako na nga tong binunggo ng mokong. Hay nako! Ang kapal talaga! Kung kelan nagmamadali ka saka ka naman babanggain. Kapag minamalas ka nga naman talaga oo.. Umuulan pa naman. Aish.
*ACHOOO!* sniff. sniff. sniff.
Hay. Ang lamig naman yata masyado.
At sumakit pa ulo ko dahil sa mokong na yun. Bwiset! Panira ng araw. Hmp! >.<
----- HOUSE ------
"Ma, patimpla naman ako ng kape. Sa attic na ko gagawa ng project." patakbo na ko sa attic para mag-umpisa sa gagawin ko.
"Acidic ka anak.. Sinabi ng doktor mo bawal ka daw sa kape.. Wag matigas ang ulo."
Bumaba ulit ako.
"Ma...?"