CHAPTER 3
"Hoy Courtney!"
Nagulat ako ng may pumalo sa balikat ko.
"Ay anak ng tokwa!"
"Hindi mo ba napansin yung mga IT kanina?"
"Makapang-gulat naman tong babaeng to, oh! Sino kamo?"
"Sabi ko, kanina, nagha-hi yung mga IT boys sayo. Taray mo te ha, di ka namansin."
"Sino? IT?"
"Ay bingi lang? Alisin mo kaya yang nasa tenga mo no at ng magkarinigan tayo! Kaya pala di ka nag hello sa kanila e, lutang ka sa music na pinapakinggan mo! Psh.. Sayang yun, ang gagwapo pa naman nila."
Inalis ko ang earphones sa tenga ko.
"Di ko napansin eh. Hehe. Yaan mo sila."
"Aba? Ang taray ng beauty mo ha. Ibang - iba ka na sa dating Courtney. Dati-rati ikaw pa nagtuturo sa min sa mga gwapo sa school tas ngayon dedma lang? Ay kakaloka ha. Kung kelan dapat ka ng maglovelife saka ka naman naging isnabish sa mga boys. Wag mong sayangin ganda mo bruha ka. Sa ganda mong yan? Ay, mahihirapan kang umiwas sa mga guys around. Affected masyado kay Kian.. Aminin girl.." (^__^)
"Shut up Thiw.. Ikaw talaga no. Pag-aaral ang pinunta ko dito at hindi ang pagboboyfriend. Besides, wala pa isip kong magboyfriend no. Atsaka walang magkakamali. Suplada daw akong tumingin eh."
Nakita kong paparating sina Merlaine at Jeeyan.
"Kambals! San kayo galing? Kayo ha, iniwan nyo kong lahat mag-isa sa room. Hmp." (_v.v)
"Ah.. Hehe.. Dun sa may IT Bldg. Balita kasi namin ni Merlaine, madami daw gwapo dun. Hihihi ^^" sagot ng kinikilig pang si Jeeyan.
"May nahanap naman ba kayo aber?" tanong ni Thea
"Hmmm.. Meron naman. Pero sabi ni Deena, Umalis daw yung grupo ng mga talagang pogi sa klase nila sandali at nagpunta banda dito sa building natin kaya nga nagmamadali kami ni Jeeyan na bumalik dito eh.. Mabuti pang di na kami umalis para nakita namin sila. Gwapo talaga mga yun kase nung 1st assembly natin, alam kong sila yung tinutukoy ni Deena nun kase sila silang magkakasama, ang gugwapo nga nila. Ayeeeeeeeee!!" kilig na kilig ang lukaret na Merlaine. Sabik lang sa gwapo te? :D
"Hindi nyo ba sila napansin dito kanina Court?" tanong ni Jeeyan.
"Ah oo. Itong tatanga-tangang si Courtney, nilampasan lang. Nag-Hi pa nga sila sa kanya eh, di pinansin ng bruha. Taray no? Hahahaha."
"Huwhaaaaaaaaaat???" sabay na tanong ng kambal.
"Ayy... Ate Courtney, bakit mo naman ginawa yun? Alam namin maganda ka, pero wag naman ganun. Wawa naman si Papa Arvi ko e. Huhuhuhu.."
Tinatawag akong ate ni Merlaine dahil gusto nya daw akong maging kapatid. At matanda ako sa kanya ng isang taon. Payag naman ako syempre. Ang bait nya eh. Hehe
"No, no Merlaine. That's not what happened. Di ko sila narinig kase naka-earphones ako. Totoo, promise." protesta ko.
"Grabe ka Court ha, it means kilala ka ng mga ITG? Ayeee... Haba talaga ng hair."
"ITG??" sabay kami ni Thea.
"Yes ITG. Short for IT Gwapitos. Cute no? Bagay sa kanila. Hehe"
"Ang baduy naman.. Pero infairness, gwapo nga sila." at nakidagdag na din tong bruhang Thea.
"Hindi siguro. Baka wala lang silang magawa or baka hindi naman ako yung hina-hi nila kanina. Mali lang ng pagkakakita si Thiw." paliwanag ko.
"Hello??? Hindi pa ko ganun kabulag no. Kahit malabo din ang mga mata kong kamukha mo, maliwanag na maliwanag po. At ikaw lang ang dumadaan sa passage na yun kaya obviously, ikaw ang tinatawag nila. Malabo nga talaga yang ilong mo at di mo sila napansin or wala ka lang talagang pakialam. Sus, Tanggapin mo na kaseeee.." (^-----^)
"Sus. Bat ba natin sila pinag-aawayan ha? Pumasok na nga tayo sa room natin at nandun na si Mr. Pacheco. Ang haharot nyo masyado.."
"Sus. Bitter lang si Ate ko.."
Tinignan ko nang matalim si Merlaine. (>_>)
(O.o)
"Joke lang ate.. Ikaw naman, di mabiro. Hehe. Pasok na tayo!"