CHAPTER 1

29 0 0
                                    

Sabi nila "ang love hindi hinahanap, kusang dumarating".

E bakit yung sakin nasaan na? Hindi naman ako naghahanap ah. Isa pa anong petsa na? Dapat dumating na siya kung darating siya. Hindi yung kung saan saan pa siya nagliliwaliw.

Hello! Andito ko oh! Paimportante masyado. Pero sige na nga. Hayaan ko muna siyang magliwaliw. Haha mabait naman ako e. Hey mga tol, this is Mikaella Leigh, Missy for short. Nineteen currently taking up BS in Accountancy. No choice, gusto kasi ng nanay ko. The truth is I want PMA. Gusto kong makipagbarilan. Just kidding, but I want to have a challenging work that my adrenaline will fly as high as the sky (nyahahaha). I want to serve people, my fellow countrymen. That' s all I want. But my mother said that I can also serve people by being an accountant. Just be independent in mind. BE FAIR.

MISSY's POV

Sa school.

Sa panahon ngayon, mahal na ang mga bilihin, lahat nagtataas ng presyo. Pero bakit yung baon ko "stagnant"? Di ba dapat itaas na rin? Kinalog kalog ko yung barya ko sa bulsa. Asar! Paano pa ko magtitira kung nagugutom na ko? Gusto ko pa namang bilhin yung bagong series na pocketbook ng paborito kong writer.

*Haay..

*Buntong-hininga..

*Haay..

(AN request: "Isa pa.")

*Haay..

(AN request: "Isa pa ulit.")

Ayoko na. Pahirap ka author. Ikaw kaya bumuntung-hininga ng bumuntung-hininga.

(AN: Zzzzz)

Papunta na akong canteen para magmerienda ng may sumunggab sakin.

"Huli ka balbon" - Zed

"Tungaks! Balbon ka dyan? Hindi naman balbon si Missy" -Anjaneth

"Expression yun panghe!" -Zed

"Whatever!"

"Chevarlu"

Napailing na lang ako. Mga baliw.

"Tsk. Alisin nyo nga yang mga braso nyo. Mga unggoy." -ako

Biglang alis ni Zed ng braso nya.

"Nyahahaha alisin mo raw yung braso mo unggoy na Anjaneth" sabi ni Zed habang nakangisi.

"Mas unggoy ka kasi inalis mo yung braso mo" ganti ni Anjaneth

Haay.. ayan author bumuntung-hininga na ulit ako. Kung hindi lang ako nagugutom, niwrestling ko na'tong dalawang 'to. Kukulit ng lahi.

Yan yung dalawa kong kaibigan. Si Anjaneth clasmate ko mula first year college kame. Hindi pa kame gaanong close noon. 2nd sem lang kame naging close. Tapos ayan ngayon "super close" na.

Si Zed wag nang ipakilala yan. Makulit lahi nyan.

(Hoy Missy magtino ka kung ayaw mong hindi kita isama sa story ko -Zed)

Hahaha sabi ko sa inyo e. Sumaside comment pa. Feeling namang magkakastory siya. Hahaha peace!

Maniniwala ba kayong kamag-anak ko yan? O ayan maniwala na kayo. Hindi lang basta kamag-anak, pinsan ko'y abnoy na yan. Mas matanda yan sakin. Gurang na yan. Pero secret lang yun ah.

(Naririnig kita. Wag mo akong siraan sa mga readers. -Zed)

See? Lakas ng radar. Chismosa kasi yan. Mana kay Anjaneth.

(Missy grabe ka sa tao ha. Nguni't story at POV mo 'to. Wag mo namang sirain career ko sa mga readers. -Anjaneth)

Hahaha kaibigan ko talaga sila. Pero matino ako sa kanila.

(WEH? - Zed & Anjaneth)

Author bakit ba may side comment pa sila? Asar ah. Nasisira concentration ko.

"Tara. Merienda tayo. Kanina pa ko nagugutom. Libre nyo ko." -ako

"Sige, tara. Hihimatayin na ko sa gutom." -Zed

"Ano pang tinutunganga nyo dyang magpinsan? Tara na." -yakag ni Anjaneth

Nagpunta na kameng canteen.

"Andami namang tao. Asar." -himutok ni Zed.

"Canteen po ito, ano pang aasahan mo. Haller!" -Anjaneth

"Wapakels. Eh sa ayoko ng maraming tao, bakit ba?" -Zed

"Punta kang sementeryo walang tao" - suggestion ni Anjaneth

"Unggoy. Papuntahin ko pa si Natre sa inyo e." naaasar na sabi ni Zed.

(Si Natre yung nasa SHUTTER)

"Tumigil na nga kayo. Eh kung umoorder na kaya tayo?" sabat ko. Mas marami pa silang sinasabi sa POV ko e.

Umorder kame ng pansit at coke at humanap ng mauupuan.

"Bakit ba mga nakatingin sila?" bulong ko sa dalawa. Sarap dukutin ng mga mata.

"Hindi kasi sila makapaniwalang nakakita rin sila sa wakas ng magaganda" sabi ni Anjaneth at tumawa pa.

"Tusukin ko mga mata nyan e" sabi ni Zed na masama pa ang tingin.

Natawa ako. Brutal talaga ni Zed, parang ako lang ah. Magpinsan talaga kame. Hehe.

Habang kumakaen kame. May pumasok sa canteen na maiingay.

"Pare nanghahamon yung Accounting department ah?" sabi nung isang matangkad na maputing lalaki.

"Lalabanan ba natin?" sabi naman nung isa ring matangkad na lalaki na mukang seryosong seryoso. Nakasalamin pa siya.

Nagbabasketball ba ito? sa isip-isip ko. Mukang hindi. Pero yung tanong nya? NATIN daw, so kasali siya.

"Sino naman yang mga daldalerong yan?" tanong ko sa dalawa.

" Mga bading. Ano pa nga ba" sagot ni Zed.

"Mga taga engineering department yan. Di ba captainball nila yang nauuna?" sabi ni Anjaneth.

Lumingon kami ni Zed. Oo nga. Si Mark Santillan. Captainball ng Engineering. Sobrang tangkad nya. Nakakalula. Kapag itinabi ako dyan para akong kuting sa liit.

--------------------------------------------------------

When you give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon