Chapter 5

18 0 0
                                    

Missy's POV

"Hahaha ang gilas ni Missy! Kung kelan nag-college saka na-guidance" tatawa-tawang sabi ni Zed.

"Haha kaya nga e. Nagkaroon din siya sa wakas ng record" segunda ni Anjanette.

Tiningnan ko lang sila ng masama. Mga kaibigan ko ba'to? Pagtawanan daw ba yung kinahinatnan ko?

Bwisit kasing lalake na yun! Tuwing naiisip ko, kumukulo na dugo ko!

Flashback

Guidance office

"Kasalanan mo'to!" paninisi sakin ni Lapag tray. 

Aba't ako pa ang sisisihin ng abnormal? E siya nga 'tong lalapit-lapit sa tahimik kong buhay.

"Kung hindi mo ko minamaltrato, hindi sana tayo aabot dito" dugtong pa nito.

Minamaltrato?! Haller! Batok lang ginawa ko sa kanya noh! Kung makaarte pwedeng artista(insert sarcasm here). Panigurado! Panalo ang siraulo!

Tiningnan ko lang siya ng masama.

E kung ipatikim ko kaya sa kanya yung totoo kong pangmamaltrato? Gustuhin pa kaya nyang mabuhay? Yun ay kung buhay pa siya NYAHAHAHAHA...

"Tingnan mo yang ginagawa mo, tinatakot mo pa ko"  sabay turo sakin.

Napapansin kong parang may sense of something 'to. Parang nababasa nya yung nasa isip ng tao. Ilang beses na nya yung naexperience dito.

"Anong tinatakot yang pinagsasasabi mong abnormal ka? E kung saktan kaya kita ng tuluyan at ng sulit naman yung pagpunta ko dito sa guidance, ano sa palagay mo?" nakataas pa yung isa kong kilay at saka ako umi-smirk.

"Okay Ms. Leigh, calm down. We're here to settle your problem. I have a proposal to make. As you're under my advisory class, Im the one who will resolve your case."

Wow! Case? Anong case to ha? Vandalism ba? Tama! Dapat pala vinandal ko na lang yung mukha nung abnormal na'to e. Atleast may kaso talaga kong ginawa. Hindi yung ganitong-.....

"Are you listening Ms. Leigh?" tanong sakin ni Ma'am.

Ano raw? Bakit di ko nadinig tanong ni Ma'am?

Syempre! English e, hindi mo talaga madidinig yun! sagot ng kabilang bahagi ng isip ko.

Wag kang epal! Hindi ikaw tinatanong ko!

Hoy!

Tama!

Ikaw nga!

Lilingon pa!

Ikaw na nagbabasa, nabasa mo ba tinanong sakin ni Ma'am?

(READER: Bakit nasali ko? Nagbabasa lang naman ako ah. Saka paano kong mababasa? E isip ka ng isip ng kung ano-ano. Haller! POV mo'to, ibig sabihin yung mga naiisip mo yung nababasa namen. Kung POV ng Ma'am mo 'to hindi malayong mabasa namen.)

Aba't sumasagot ka pa ah! Sige dahil jan 'friends na tayo' nyahahaha... Ganyan gusto ko.

Pero balik tayo sa tanong ko. Bakit ba laging pag may tinatanong yung isang tao, minsan hindi natin madinig? Kaagad ang banat nila kundi "Are you listening?" or "naintindihan mo ba sinabi ko?". Alam naman nila yung sagot,  tatanungin ka pa.

"No Ma'am." O di ba? Sobrang honest ko. San ka pa? Honesto! wahahaha

"Okay. I'll repeat. Make sure you're listening now ha? 'Coz I'll not repeat it in the 3rd time." sabi ni Ma'am.

"You too." turo nito kay Lapag Tray na nagkukutkot ng kuko.

Parang walang nadidinig ang abnormal, diretso pa rin ito sa pagkutkot ng kuko nya.

Pasimple ko itong siniko sa sikmura. Yung hindi mapapansin ni Ma'am na may karumal-dumal ng nagaganap. Hahaha brillant noh?

Magkatabi kasi kami nito sa mahabang upuan sa harap ni Ma'am.

"Okay. You two will be seatmates starting tomorrow. So, in that way you'll get to know and will treat each other as brother and sister. Cause you're on the same school, much better if you'll care and not kill each other." may diin pa sa kill si Ma'am. E kung kill-itiin ko sya? hahaha corny....

May potential din si Ma'am e. Pwedeng madre. Pwera biro, totoo yun.

Pwede ring pang-world peace si Ma'am.

Ano pa ba magagawa ko? E di sige.. Si mother superior na nagsabi. Dineclare na e, pwede pa bang kumontra? Syempre hindi na. Tiningnan ko reaksyon ni Lapag Tray. As expected, nagkukutkot pa rin ng kuko.

May ano ba sa kuko nya? Isang kilong lumot?

Bigla itong lumingon sa kanya at nahuli sya nitong nakatingin dito. Bigla nitong itinago yung mga kamay nito sa likuran nito at ngumiti.

Ha? Ano yun? Parang aagawin ko naman yung kuko nya. May ano ba dun? Mina ng ginto? Hahaha.

Sinimangutan ko naman ito.

"Okay. That's all!" pagtatapos ni Ma'am.

End of Flashback

Back to reality

"Natulala na hahahaha!" patuloy pa rin sa pagtawa na sabi ni Zed.

"Hahaha ayos ka lang?" tapik sakin ni Anjanett.. Yung tapik nya yung tipong malalaglag yung baga mo.

"Pagkatapos mo kong kabugin, sa palagay mo ayos lang ako? E kung sumuka ko ng dugo dito? Sino magdodonate ng dugo para sakin" masungit kong sabi dito.

"OA much.. E ano ginagawa nyang si Zed.. Siya na magdodonate para sayo."

"Asahan mo namang magdonate yan.. saka magkaiba kame ng type"

"E ayos yung ganyan. Walang agawan. Tama sa magkakaibigan yung ganyan.. Walang talo-talo.. Dyan kasi nasisira yung relasyon ng magkakaibigan. Kaya tama lang na magkaiba yung type nyo"

Ha? Hanoraw? Hahaha isa rin tong baliw... isama ko to kay Lapag Tray e..

"E kung pagbuhulin ko kayo ni Lapag Tray? Makatawa ka pa kaya?" naiinis na sabi ko.

Natahimik si Anjanette.

"Haha hindi ka na mabiro"

"Oo nga tol, cool ka lang. Ano? Gusto mo resbakan natin silang lahat?" suggest ni Zed.

Cool daw ha, e bakit reresbak? Hindi lang sa isa, sa lahat pa raw. Baliw talaga tong si Zed.

"Hayaan nyo na nga. Wag nyo ng banggitin pangalan nun. Nasusuka ko pag naririnig ko" tapos tumayo na ko para bumalik sa klase.

_________________________________

zfrance :)


When you give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon