Chapter 4

24 0 0
                                    

Missy's POV

Napadukdok si Missy sa desk nya after magturo ng prof nila sa Philosopy.

Kaantok talaga! pagkausap nya sa sarili nya.

"E di matulog ka! Ang dali ng solusyon. Ikaw talaga" sabi ng isang boses.

"E sa hindi pwedeng matulog e! Bakit ka ba nakikialam?" sagot ko sa boses.

"Alam mo kasi, yan ang hirap sa mga tao. Ang dali ng solusyon pinapakomplika. Kapag inaantok, matulog. Parang yung prof naten sa Business Math, pwede namang magtranspose sa solution ayaw ipagamit. Ang gusto pa, long solution. E di nahirapan na yung mga estudyante pati sya nahirapan sa pagchecheck. O di ba? Tao rin nagpapahirap sa sarili nila." sagot ulit nung boses at humawak pa ito sa buhok nya.

Doon na siya nag-angat ng ulo. Aba! E akala nya mahiwagang boses lang. Bakit may pahawak-hawak pa sa buhok?

Naningkit ang mata nya nung makita nyang si Lapag Tray. Anong ginagawa ng abnormal na'to dito?

"Bakit ka nandito?!" masungit kong tanong.

"Miss, alam nating pareho na matalino ka. Bakit ka nandito?" balik tanong ng abnormal.

Aba't ginagalit yata ako ng abnormal na'to ah!..

Ibubuka pa lang nya yung bibig nya nang sumingit agad si Lapag Tray.

"Ang sakit mo namang magsalita" nagpapaawang sabi nito.

Anong sinasabi ng abnormal nato? Wala pa syang sinasabi makakasakit dito ah!

"Ang tagal na nating magkaklase, may kaklase pa tayong babae" huminto ito sa pagsasalita at tumingin sa mga babae nameng kaklase.

"lalake" patuloy nito at huminto ulit para tingnan yung mga kaklase nameng lalake.

"saka uhmm...  lalake ulit" nag-aalangang dugtong nito at tumingin sa mga kaklase naming bading.

"Biruin mo ang liit lang ng kwarto nato. Apat lang yung sulok nito, dalawang pinto at marami ring bintana. " patuloy pa rin nitong pagsasalita.

Sa totoo lang? Dinedescribe ba nya room namen? nagtatakang tanong ko sa isip.

Malamang oo! Enumeration nga ang type e... sagot ng isip ko.

Ang galing ko noh? Nakakausap ko isip ko. Kayo kaya nyo? wahahaha

"Sandali nga! Ano bang sasabihin mo?" naiirita ng tanong ko.

"Hindi mo man lang hinulaan" madramang sabi nito.

Kumunot-noo nya. Grabe! Sarap saktan ng lalake nato.. Ang daming alam na kaartehan.

"Sabihin mo na dahil naiistorbo mo na yung naudlot ko sanang pagtulog."

masungit pa rin na sabi ko.

"Kaklase mo ko, hindi mo ba alam?" parang aping-aping sabi nito.

Juice miyo Marimar! Nasaan ba si Fulgoso ng maipakagat tong abnormal nato?

"O tapos?" masungit pa ring tanong ko.

"Grabe ka!" parang maiiyak pa na sabi nito. "Sa dami ng sinabi ko yan lang yung sasabihin mo? Nagkita pa tayo sa canteen last week ah!" at tumayo pa ang baliw.

Aba't! kung makapagsalita parang nagkita talaga kaming dalawa ah! As in kaming dalawa lang.

"Uyyyy...." sabi ng mga kaklase namen.

Tiningnan ko ng masama yung mga kaklase kong nag-uyy.

Mga malisyoso! sa isip isip ko.

Tumayo na rin ako at....

"Aray!" daing ni Lapag Tray. "Aray! S-sandali! Aray! Tama na!"

Huh! Yan ang bagay sayo.

Tutal arte ka ng arte ha! E di ito hindi ka na aarte! Totoong masasaktan ka! sabi ko sa isip ko.

Alam nyo kung anong ginagawa ko? Hahaha! Wala naman. Pinagbababatukan ko lang naman ang abnormal..

"S-sandali! N-nasasaktan na ko! H-help!" nanghihingi ng tulong na hiyaw nito.

Wala ni isa man sa kaklase namen ang umawat sakin. Huh! Takot lang nila.

"Okay Ms. Leigh and Mr. Fraly, what do you think you two doing?" sabat nung isang boses.

Sa totoo lang, ang daming mahiwagang boses ngayon. Mula nung mauso si KUYA sa big brother.

Kuya umamin ka nga. May Ate ka ba?

"Ms. Leigh and Mr. Fraly go to the guidance office!" ulit nung boses.

Ano raw? Guidance office?

ANO? G-GUIDANCE OFFICE?

Oo. Paulit-ulit? sabi nung kabilang bahagi ng isip ko.

Doon na ako napatigil sa pambabatok kay Lapag Tray. At nakita ko si Ma'am Porky, Ay! Porsy pala hehe. Na nakatingin ng masama samen. At hindi lang yun, nasa likod pa nito si MARK.

Hay! Ansaklap!

Kaya pala tumahimik mga clasmate ko dahil kay Ma'am Porky. Wala man lang nagsignal sakin na anjan na yun. Mga salbaheng kaklase!

Humanda kayo sa pagbabalik ko!

-----------------------------------------------

When you give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon