Chapter 3

12 0 0
                                    

"Pwedeng maki-share?" pa-cute na sabi ng naglapag ng tray. Nagpaamo pa ng muka. Parang sa nagmamakaawang bata.

Naku! Kung hindi lang toh cute kinutusan ko na'to.

"Sige-" -ako

"Wow. thank you." -singit agad ni lapag tray. Tapos biglang harap sa mga kasamahan.

"Sabi sa inyo mga tol. Galing kong pumili noh?" pagyayabang pa nito.

"Kung hindi ko itinuro ito, e di wala tayong mauu-..."

"Pagkatapos namen. Kaya pwede bang tanggalin mo yang tray mo. Hindi ko mailapag tong softdrinks ko." pagtataray ko. Hindi ba naman kasi ko patapusin sa pagsasalita.

Nagtawanan yung mga kasama nya.

"Magaling pala tol ah! Wahahaha!" tawanan ng mga kasamahan nito.

Para namang kuting na unti-unti nitong kinukuha yung tray nya. Parang malungkot na malungkot yung muka.

Pinigil ko yung dulo ng tray nya. Napatingin sya sakin.

"Sige. Umupo ka na. Malapit na rin naman kameng matapos" sabi ko.

Biglang nagliwanag yung mukha nya.

"Talaga?!" tuwang tuwang sabi nito.

Gusto ko sanang barahin kaya lang baka lalong pagtripan ng mga kabarkada nya. Kawawa naman, cute pa naman.

"Ayaw mo?" tanong ko.

"Syempre gustong-gusto". At umupo n nga ito sa tabi ko. Behave na behave ang ichura.

"Thank you talaga ah" -lapag tray.

Tumango lang ako bilang sagot.

Nung makita kong papatapos n yung dalawa, inaya ko na sila. Sa daan na lang namin uubusin softdrinks namen. Masyado na kaming pinagtitinginan ng mga estudyante dahil nakatayo pa itong mga gunggong na'to.

"Tara na" aya ko sa dalawa.

Tumayo na kame.

"Wait! Hindi pa kayo tapos ah" -lapag tray.

"Tapos na kami" sagot ni Zed na masama ang tingin sa magbabarkada.

Hahaha nakakatawa ichura nila. Iba-iba. May naaamused may parang natatakot.

Nagsilihis sila nung dadaan si Zed. May isa lang na mukang malakas ang loob. nakaharang pa siya sa harap ni Zed.

"Excuse me!" -Zed

Hindi pa rin umaalis s harapan ni Zed tong isang 'to. Mukang gusto pa yata ng away.

Inangat ni Zed ang tingin nya para makita kung sino ang nakaharang sa kanya. Nagsalubong na kilay ni Zed.

Tsk. Patay na. Napahawak ako sa noo ko.

"Bingi ka ba o sadyang tanga?" banat agad ni Zed.

"What if I said no?" seryosong sagot ni boy harang.

"Then get out on my way" mariing sabi ni Zed. Nanunuod lang ako. Hahaha ang ganda ng palabas.

"Ayoko" -boy harang.

Parang alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Patabihin mo na yang kasama mo kung ayaw nya ng gulo" bulong ko kay lapag tray.

"Haha yamo siya. Ginusto nya yan e" sabi nito. Mukang natutuwa pa sa nangyayari. Sumulyap ako kay Mark. Nakamasid lang din ito. Bumaling ang muka nito patingin sakin. O, anong problema nito? sa isip-isip ko. Gusto rin ba nito ng away?

"Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa umaalis sa daraanan ko.. baka hindi mo magustuhan" pagbabanta na ni Zed.

Ngumisi pa si boy harang.

"Isa!" -Zed

"Dalawa!" -Zed

"Tatlo!" pagtatapos ng mga barkada ni boy harang.

Biglang may bumulagta. Hahaha sa tingin nyo sino?

Wala ng iba kundi si ...

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

......

.....

.....

.....

......

.....

.....

.....

.....

When you give upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon