Missy's POV
Joke ba 'to? Ang bumulagta hindi lang one kundi three. Hahahaha iba talaga si Zed.
Mga bumulagta: (Enumeration ito kaya makinig mabuti hehe)
-Boy harang
(parang boy bawang lang ah hahaha)
-Boy tangkad na maputi
at si....
-Mark?
Ha? Panong nangyari yun? E malayo siya (Mark) kanina ah. Nakakailang dahil lalo kaming pinagtitinginan ng mga estudyante. Pero nakakatuwa kasi anlalaki ng napatumba ni Zed. Ampayat pero anlakas sumipa.
"Ano?! Haharang ka pa?" sabi ni Zed sabay sipa sa binti ni boy harang.
Si boy harang naman nakahawak lang sa tiyan kung saan sya sinipa ni Zed.
"Tara na. Baka hindi ako makapagpigil, magulpi ko pa 'to"
Natatawang sinulyapan ko lang ang mga nakabulagta. Napatingin din sakin si Mark, tinaasan ko lang ng kilay na parang sinasabing 'ano kayo ngayon?'.
MARK's POV
"Hahaha! Mga tol ano ginagawa nyo dyan sa sahig? Dito kayo umupo sa upuan." -mapang-asar na sabi ni Amante (a.k.a. lapag tray).
Tsk! Tumayo na ako sa pagkakaupo sa sahig. Kapag minamalas ka nga naman. Nadamay pa siya sa pagsipa nung ala jackie chan na babae na yun. Aawatin na sana niya si Jun-Jun. Papalapit pa lang siya ng biglang tumilapon na sa kanya yung dalawang ugok na si Jun-Jun at Richmon.
"Haha mga tol ilan nahuli nyong isda?" -tatawa-tawang sabi pa ni Amante
"Gusto nyo palang mag-fishing, hindi nyo agad sinabi samen. E di sana naipagdala ko kayo ng fishing rod. Hindi yung ganyang mangingisda na lang kayo agad hahaha" dugtong pa ng ungas.
Tiningnan ko lang sya ng masama.
"Siraulo! E kung ihambalos ko sayo yang fishing rod na sinasabi mo?!" galit na sabi ni Richmon habang pinapagpag yung pants nya.
"Ang sama mo!" madramang sabi ni Amante, may paturo-turo pang nalalaman. "Nagsuggest lang ako ah.." paawa pa nitong sabi.
Naiiling na lang ako. Baliw talaga.
"Kung hindi mo ito tinuro hindi sana madudumihan tong pantalon ko!" sagot pa rin ni Richmon.
"Bakit ako sinisisi mo? Di ba nga ipagdadala ko pa kayo ng fishing rod? Sinabi ko bang magdive kayo dyan? Excited kasi kayong mangisda.."
Bakit ba pangingisda sinasabi ng abnormal na Amante na ito? Di ba dapat nanghuli ng palaka?
"Pwede namang sa iba na lang tayo maghintay. Dito mo pa itinuro!"
-Richmon
"E sa ito una kong nakitang magandang pwesto e. Saka bakit ba ako sinisisi mo? Bakit hindi yang pagiging excited nyo sa pangingisda?" tanong pa ni Amante.
Napatampal ako sa noo. Baliw talaga. Pinatulan pa ng siraulo ding si Richmon. Sa daldal ni Amante ewan ko lang kung matapos sila sa pagtatalo nila.
Umupo na ko sa inalisang pwesto nung tatlong babae.
*Haay.. hintayin ko na lang matapos ang magandang usapan ng dalawang ugok na ito.
Umupo na rin si Jun-Jun sa tapat ko.
Nagtataka ko kung bakit humarang si Jun-jun sa daraanan ng babaeng yun?
E di sinuwerte sya! Napasama nga lang ako. Bwisit!
---------------------------------------------------
AN: Nagustuhan nyo ba? hehe sino bet nyo? Free to comment. Thanks!!
-zfrance9
BINABASA MO ANG
When you give up
HumorSabi nila "ang love hindi hinahanap, kusang dumarating". Paano kung dumating nga? Kaya mo bang hawakan? Hindi mo kaya ito mabibitawan? May mga bagay kasi na hindi pangmatagalan. Pero kung iyong ipaglalaban, malamang may pagbabagong kahihinatnan. P...