Hindi ako katulad niya
Kilala ng buong madla
Wagas kung magmahal sa bayang ina
Handang ibuwis maging ang buhay niyaHindi ako martyr at matapang
Alam ko kung kelan na susuko sa laban
Bibitawan ang armas, uurong ang sandatahan
Tapos na nga yata ang digmaanIka'y nagdesisyon, pinili siya
Totoo mang may iba kana
Sana'y magpakasaya ka
Paumanhin, di ako bayani para ipaglaban ka pa
BINABASA MO ANG
Develacion del Amor (Unveiling of Love)
ПоэзияLahat ng naisulat ng may akda ay mula sa kanyang karanasan, nakita, narinig, at nadarama. Mga damdaming nais ipahayag gamit ang pagsusulat. Nananalangin sana'y mabasa mo din.