Laro

11 1 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo
Puso'y pinagtagpo
Kikiligin, mahuhulog sayo
Maniniwala sa mga pinangako

Sumali dahil nais manalo
Ngunit paano kung parating nagbabago?
Iba't ibang reglamento
Mahihingal, hihinto, ngunit di susuko

Isa, dalawa, tatlo
Puso'y natalo
Iiyak, nasaktan dahil sayo
Kakapit parin sa mga pangako

Nadapa, bumangon, tumakbo
May isang bagay na napagtanto
Hinding hindi mananalo
Sa pag-ibig nating nagsimula sa laro

Develacion del Amor (Unveiling of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon