Kaya ko pa!

12 1 0
                                    

Kaya ko pa kahit masakit
Buong katawan ay namamanhid
Kaya ko pa, ako'y lalaban
Hinding hindi kita bibitawan

Hihintayin kong makalimutan mo siya
Muling sisilay ang araw sa kalangitan ngayong umaga
Kung sakaling siya pa rin ang sinisinta
Ako'y lalaban dahil mahal kita

Huwag magmadali dahil makakapaghintay
Kung ang kapalit ay makasama ka habang buhay
Kaya ko pa kahit ang sakit sakit na
Kaya ko pa, kasi mahal kita

Develacion del Amor (Unveiling of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon