Juanito Alfonso

12 1 0
                                    

Isang malagim na kapalaran
Ngunit wagas na nagmamahalan
Pilit itatama ang nakaraan
Upang mabago ang kasalukuyan.

Isang makata, maginoo at gwapo
Ibang iba sa kasalukuyang mga tao
Tila ako ay binalik sa dating mundo
Ng nakilala si Juanito Alfonso

Sa pagbago ng oras at panahon
Nais matupad at matagumpayan ang misyon
Huwag na huwag iibig, bawal iyon
Ngunit anong magagawa kung ang puso'y iniibig siya sa ngayon?

Lumipas ang panahon tagumpay ay nakamit
Ngunit puso'y namimilipit sa sakit
Naiwan ang minamahal sa ibang daigdig
Malayo man, siya parin ang iniibig.

------------

Ang inspirasyon sa tulang ito ay ang storyang "I love you since 1892" ni Binibining Mia.

Develacion del Amor (Unveiling of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon