Chapter 2

9 0 0
                                        

Fina

"Fina anak, tapos ka na ba ,kung tapos ka na ay aalis na tayo. Hindi tayo pwedeng hintayin ng sasakyan ng Villaverde kaya bilisan mo anak."

"Opo nay, tapos na ho ako dito. Nagsusuklay na lamang ho ako " sagot ko naman

"Oh sya sige, hintayin nalang kita dito sa salas at bilisan mo na dyan."

"Opo nay "

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako. Hinihintay nalamang naming ang sasakyan na ipapadala ng villaverde pang sundo sa amin.Medyo malayo kasi ang bahay ng villaverde dito sa bayan namin kaya ipapasundo na lamang kami.

Kung nagtataka kayo kung bakit kami ang kinuha ng mga villaverde ay dahil sa kaibigan ni mama. Nagkataong naghahanap ng taga luto ang mga Villaverde kaya nirecomenda si nanay ng kapit bahay namin kahit na may taga luto ang mga Villaverde. Dahil din siguro sa dami ng bisita ng mga Villaverde kaya siguro nag dagdag pa sila ng mga tagaluto.


*beeeep beeep *

"Ayan na pala. Halika ka na anak sila na siguro iyan "

Tama nga si nanay. Sila na nga iyo. Tinanong pa kasi ng isang lalaki kung dito daw ba nakatira si  Betina. Betina ang pangalan ng nanay ko kaya sya yun heheh.

Pagkatapos ng  isang oras na byahe ay nakarating na din kami sa mansyon ng Villaverde.

Agad naman kaming pinapasok ng babae na sa tingin ko ay katulong nila dahil sa kaniyang suot na pang katulong.

"Kayo po ba sil aleng Betina?" tanong ng isang babae na sa tingin ko ay kqtulong din dahil din sa suot.

"Opo ako nga po, ito pala amg aking anak na si Fina. "

"Magadang araw po "

"Naku pagka gandang bata naman ito. O sya magsimula na tayong magluto. Wala pa dito ang mga Villaverde, nasa maynila pa pero papunta na sila dito. Kaya magluto na tayo para pagdating nila luto na. Yung ibang bisita nandito na, pero mga kamag anak lang din iyo ng mga Villaverde kaya pinagpahinga muna sa sala. Mamaya pa kasi yung party. "  sabi ni Ate Beth .Nagpakilala syang Beth s amin ni nanay kaya tinawag ko syang ate Beth.


Habang nagluluto si nanay ay inutusan nya akong itapon sa labas ang lahat ng napaghiwaan kong mga gulay dahil puno na yung basurahan dito sa kusina.

Kinuha ko na ang lahat ng mga kalat sa kusina kasama na yung nasa trashcan para itapon na sa labas at di na maipon doon sa loob.

Habang palapit na ako sa basurahan ng may tumama sa paa kong bola.Agad naman akong napatingin na isang batang lalaki ang nakatama sa akin.

"Who are you? " tanong ng batang lalaki sa akin habang nanliit ang mga maya nito.

"Ako si Fina, tagaluto ng Villaverde ngayong araw. Ikaw anong pangalan mo? " pagpapakilala ko sa kanya at sabay tanong na din ng kanyang pangalan.

"I don't talk to strangers , but you're not stranger anyway because you told me your name. I'm Jacob 7 years old and handsome my Lola told me that " sabi nya na may seryosong mata.

Di ko mapigilan ang mapangiti dahil sa kanya. Hula ko dito ay makulit na bata. Swerte ang mga magulang nito.

"Naku jicub her yu ar lang pala. Kanina ka pa hinahanap ng mami at dadi mo. " biglang sulpot ng isang babae na siguro ay tagapag alaga nya.

"Ay naku miss, pasensya ka na dito sa alaga ko ah. Naku napakulit nyan. Sigeh alis na kami."

Unti unti naman silang napalayo sa akin.

Itinuon ko nalamang ang atensyon ko dito sa bitbit kong basura. Agad ko naman itong itinapon sa basurahan.

Paakyat na ako ng hagdan ng bigla akong natalisod. Inaasahan ko na babagsak ang katawan ko sa semento pero hindi.

"Hey watch your step!"

Pagkamulat ko ay isang gwapong lalaki ang tumambad sa muka ko.








Halah! Ang init ng pisngi ko!!!

*-*-*-*-*-*-*-*

A/N : Hope you'll like it ulit. Pakisabi naman sa akin yung error please. Thank you.

Fabricated Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon