Fina
*tik tilaoooookkkkkk*
Agad akong napabangon sa aking higaan. Nagluto na din ako ng pagkain namin ni Amanda para sa pagpasok sa skwelahan. At naligo na din ako pagkatapos upang gisingin na din ang kapatid ko.
"Amanda ~ gising na " tapik ko kay Amanda. Buti nalang may manok si tatay dito para may gumising sa amin. Hindi na kami bumili ng alarm clock kasi sayang sa pera.
Naligo na din si Amanda at kumain na kami ng sabay.
"Fina, ako na kukuha ng pagkain ko. Pagpatuloy mo na ang pagkain nyo ni Amanda. " sabi si sa akin ni nanay ng kukuhaan ko sana sya ng pagkain para sa almusal. Kanin at tawilis n may itlog ang ulam namin. Sagana kasi dito sa lugar namin yung tawilis kaya makakabili k ng mura.
Pagkatapos ko mag ayos ay tinawag na ako ni Amanda para umalis na nagpaalam na kami kay nanay. Pupunta sya ng hospital para bantayan si tatay.
***
"Fina!!!! " sigaw mula sa likod ko habang ako'y naglalakad.
"Oh,Cristi !" bati ko naman sa kanya.
"Kamusta naman doon sa trabaho mo? " tanong nya.
"Okay naman, sinabi ko na tuwing hapon ako magtatrabaho hanggang alas sais ng gabi. " sagot ko naman na agad ikinakunot ng kanyang noo.
"Halah! Fina gabi na yun ah! " sigaw nya naman
"Okay lang Cristi. Malapit lang naman sa amin yung karinderya ni ma'am Anne. Kaya ko na yun." sabi ko habang naglalakad papunta sa aming classroom.
"Sa bagay, naku kahit na, magingat ka pa din! Ay teka di na pala room ko sigeh bye bye " sabi nya sabay kaway ng kanyang kamay.
"Sigeh "
Habang palakad ako papuntang classroom ay nakita kong may pinagkukumpulan ang mga estudyanteng karamihan ay babae.
"Ang gwapong lalaki namn nya "
"Sinabi mo pa "
"Balita ko isa syang Villaverde"
Villaverde? Teka yun yung pinaglutuan namin ni nanay ah.
Hindi ko na narinig ang pinaguusapan ng dalawang babae ng dumiretso ako ng lakad papunta sa classroom.
Nakaupo na ako ng may lalaking kumalbit sa akin.
"Penge papel " sabi nya
"Ha? Hindi pwede eh, mauubos na "
"Hmpp, damot "
"Pasensya na "
"Good morning class " bati ni Ms. Madrigal
" Good morning ma'am "
"You may take your seat ,by the way here's the new student of this classroom and school .Say hi to your classmate Mr. Villaverde "
"Hi, I'm Achilles Gian Villaverde. Nice to meet you " teka? Sya yung lalaking nakasalo sa akin ah! Di ko pwedeng malimutan ang mukha nya. Villaverde pala sya?
Agad naman syang umupo sa isang upuan kung saan bakante. Nandoon sya umupo sa last row sa may tabi ng bintana.
"So class our lesson for today is bla blah "
Pagkatapos namin maglesson ay nag seatwork kami. Halos lahat naman sa amin ay nakaperfect kaya di nahirapan si ma'am sa amin.
*kkkringgggggg*
"Okay class so that is all for today goodbye. " agad na sinabi ni ma'am sabay alis ng clasaroom.
Lumingi naman ako kung saan nakaupo ang Villaverde. Nakita kong naiirita sya sa mga classmate kong babae kaya pinasak nya sa knyang tenga ang kanyang earphone. At tumungo.
Gwapo sana kaso suplado. Oo aminado ako sya yung crush ko. Wala namang masama doon. Wala naman syang kasintahan. Paghanga lang naman yun hindi nayon magbabago...
***
Pauwi na ako ng bahay. Inabot na ako ng alas otso dahil andaming niluto sa karinderya. May handaan kasi yung isang customer ni ma'am Anne kaya napahaba ang oras. Dadagdagan nya nalang ang sahod namin sa mga pinagabot ng gabi kaya okay na din para mabilis akong makaipon. Nasabi ko na din kay nanay pinasabi ko kay Amanda bago sya umuwi ay dumaan sya sa karinderya.Naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng may mga ilang binatilyo ang tumigil at tiningnan ako.
"Hi miss, baka pwede mo naman kaming samahan " sabay sabi nya ng nakangisi.
"Pasensya na bitawan mo ang braso ko, m-masakit!" sigaw ko sa kanya.
"Miss, ang pakipot mo naman, parang ilang oras lang naman eh " sabay sabi nung isang lalaking nakasando.
"When she says she doesn't want, don't force her " nagulat ako sa lalaking sumulpot. Si Villaverde.
"Sino ka ba ha? Kala mo uurungan ka nmin? " sabay suntok ng lalaking nakasando kay Villaverde pero nakailag ito kaya agad naman itong gumanti at natamaan itong lalaki.
Nagsusuntukan sila hanggang sa nakahiga na yung mga lalaking kinalaban nya.
"Hey, uuwi na kita sumabay ka na "
"Ah h-hindi na, salamat pala "
"You have two choices Fina, Yes or yes? " seryosong sabi nito.
Wala na akong nagawa kung hindi magpahatid.Ang bango ng kotse nya. Nakakaadict...
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
A/N : Hello, pakicomment naman yung errors o mali. Salamat.
Vote.
BINABASA MO ANG
Fabricated Memories
FanfictionHanggang saan ang kayang mong gawin para sa taong mahal mo?