FINA
"Uy Fina, sabi sa akin ni Manang Phelia na ikaw daw ang magluluto aa handaan ng anak ng Villaverde, abay totoo ba iyon? " tanong sa akin ni Cristi na aking kababata at aking kaibigan na din.
"Oo Cristi, ako nga. Ang totoo nyan ay kaming dalawa ni nanay. Tutulungan ko lamang si nanay sa mga lulutuin nya. " sagot ko naman na kaagad nya namang ikinalungkot.
"Swerte mo Fina, makikita mo yung anak nilang lalaki. Sabi -sabi dito aa atin na sobrang gwapo daw iyon Fina ihhhhh" sabi naman nya na may haling tili sa dulo.
Di ko maintindihan sa kanya. Gustong gusto nya lagi ay iyong mga lalaking gwapo, yung may abs ba.
"Ano ka ba Cristi? Hindi naman ako pupunta doon para sa kanya , tutulungan ko si nanay, iyon lang yon"
"Hay naku ahh basta Fina swerte ka pa den "
"Alam mo Cristi, Umuwi nalang tayo. Tutal madami dami na namang mangga itong nakuha ko.Pwede ko na itong ipagbenta kay aling bebang."
"Teka nga, ikaw magbebenta? Eh hindi ba may naipon ka na? Teka nga ulit, para saan yung pera? "
"Para sana sa gagamitin kong damit Cristi.Nakakahiya naman sa mga Villaverde kung lumang dami yung susuotin ko tsaka. Wala na akong mga damit luma na. Siguro ibibigay ko nalang yun sa kapatid ko tutal kasya naman sa kanya iyon "
"Ay sigeh ganoon ba? Oh sya tara na nga nang maibenta mo na yan. Para may pambili ka na ng damit mo "
"Nay nandito na ako. Si Amanda po eh nasaan? " Tanong ko kay nanay ng makapasok ako sa aming bahay.
"Nandoon sya anak sa kaklase nya. May gagawin daw silang proyekto na kailangan ng ipasa sa Lunes kaya ayon pinayagan ko na anak."
"Ah okay po nay. Anong niluluto nyo nay? "
"Tinolang manok anak, halika tuturuan kitang magluto nito Fina. "
"Sigeh po nay! "
Pagkatapos akong turuan ni nanay na magluto ng tinolang manok ay naghain na ako ng plato sa lamesa.
Agad ko namang tinawag si Amanda at si Tatay.
"Ate Cristi, ikaw na ang maglead ng prayer " galak na sabi ni Amanda habang nakatingin sa pagkain. Siguro ay gutom na ito.
"Sigeh ba " sagot ko naman
"Lord, maraming salamat sa pagkqin namin ngayon, kahapon at sa mga pagkaing kakainin pa namin sa araw araw. Patawarin nyo po kami sa mga kasalanan namin na nagawa at magagawa pa sa pagkaim namin. Mahal po namin kayo Lord. Amen "
Pagkatapos naming kumain. Ay niligpit na namin ni Amanda yung mga pinagkainan.Pinagpahinga na namin si Nanay at Tatay dahil alam komg pagod sila sa trabaho.
Si Nanay kasi ay naglalabada sa mga kapitbahay namin na gustong magpalaba. Si tatay naman ay nag aani ng mga palay .
"Ate, tapos na akong maghugas. Ikaw na ang bahalq dito ate. Gagawa pa ako assignment namin kanina. " sabi ni Amanda.
"Sya sige ,gawin mo na para matapos na agad,matulog ka na pagkatapos ah"
"Opo nay este ate " sagot nya naman habang tumatawa.
"Tsk, sigeh umalis ka na "
Agad ko namang binaba ang mga kurtina sa salas namin para maisarado ko na iyong mga bintana at pati yung mga pintuan ay sinarado ko na rin kasabay ng pagpatay ng ilaw.
Pumasok na ako sa kwarto namin ni Amanda. Dalawa ang kwarto dito aa bahay. Isa sa mga magulang namin ay isa para sa amin ni Amanda pero tig isa kami ng higaan na gawa ni tatay mula sa kawayan.
Nakita kong tulog na si Amanda naupo ako sa aking higaan ko. Kinuha ko ang aking diary na nasa ilalim ng mga damitan ko sa drawer.
Dear Diary,
Wala namang kakaibang nangyari ngayong araw. Bukod siguro sa magluluto kami sa bahay ng Villaverde ay nagtinda ako ng mangga para may pambili ako ng damit.-Fina
*-*-*
A/N : If may error please paki comment po. Huhu first time ko gumawa ng stories hope you'll like it.

BINABASA MO ANG
Fabricated Memories
أدب الهواةHanggang saan ang kayang mong gawin para sa taong mahal mo?