Chapter 3

2 0 0
                                    

Fina

Di maalis sa aking isipan ang nangyari kanina sa mansyon ng Villaverde. Kanina pa ako nakangiti habang tinatanggal ang mga dahon ng malunggay mula sa tangkay nito.

"Ate! "

Napaayos ako ng aking muka ng bigla akong gulatin ni Amanda.

"A-ano?! Wag mo nga akong ginugulat Amanda. Nakikita mo ba ang ginagawa ko?!" singhal ko sa kanya.

"Alam mo ate ?Dederetauhin na kita ha, muka kang baliw ate. May pangitingiti ka pang nalalaman dyan. Swswsws naku inlove ka na noh? " sabay sundot sa aking tagiliran.

"Ano ka ba? Amanda naman, alam mo naman bawal pa yan sa atin sabi ni Tatay diba? Kaya wala sa isip ko yang love love na yan noh?! "

"Wehh? Alam mo ate, ayos lang naman kung mainlove ka. Alam mo yun? Yung crush lang? Ibig sabihin paghanga sa isang tao. Walang masama don "

"Kahit na Amanda, pipilitin ko ang sarili kong hindi mahulog sa kanya. Lalo na ngayong ito ang unang beses na humanga ako sa isang lalaki "

"Ano ka ba ate? Pipigilan mo lang ang nararamdaman mo kung mag ibang kasintahan na yung crush mo "

"Amanda, alam mo naman ang estado ng buhay natin. Mayaman sila, mahirap tayo, Gwapo sya, samantalang ako wala naman maipagmamalaki sa akin "

"Ate, mabait ka naman eh "

"Tse, di ka talaga suportado sa akin kahit kailan "

"Nagbibiro lang naman ako ate eh.Alam mo ate maganda ka naman tsaka morena ka oh " sabay hablot sa braso ko upang ipakita ang kulay ng aking balat.

"Amanda! Fina!  " napatingin kami sa labas ng kusina ng biglang tinawag kami ni nanay.

"Nay bakit ho? " agad kong tanong

"Fina, ang tatay nyo! "

***

"Doc, parang awa nyo na ho, gawin nyo po ang lahat ng makakaya nyo. Gamutin nyo ho ang asawa ko. " hagulhol na sabi ni nanay aa doctor na gumagamot kay tatay

"Wag ho kayong mag-alala misis, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para magamot ang asawa ninyo "

Agad naman naming nilapitan si nanay. Habang hinahagod ang kanyang likod upang sya ay mapakalma.

"Diyos ko! Ano ba ang nangyari sa tatay nyo! " Sabi ni nanay habang umiiyak pa rin

" Nay, magpahinga ho mun kayo, kukuha lang po ako ng tubig. Amanda pakibantayan naman si nanay saglit "

"Oo ate, sige na kumuha ka na ng tubig "

Agad naman akong bumaba para kumuha ng tubig. Meron silang libreng tubig dito sa hospital.

"Ahm miss, hihingi lang po sana ako ng tubig, pwede ho ba? " taning ko sa isang nurse na malapit dito.

"Ah sigeh lang ho, kumuha lang po kayo ,nandito yung mga plastic cups " sabi nya naman sabay pakita sa akin kung nasaan yung mga plastic cups

"Salamat po "

Kumuha na ako ng tubig para kay nanay upang mapakalma sya. Agad naman akong sumakay ng elevator papunta ng  pangatlong palapag.

"Ate! Buti bumalik ka na "

"Bakit anong nanyari? "

"Nasa loob si nanay, kausap yung doctor tungkol sa kalagayan ni tatay"

"Ah, ganoon ba? Sigeh hintayin nalang natin si nanay dito aa labas. "

Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na si nanay. Malungkot ang kanyang muka.

"Diyos ko, saan naman ako hahanap ng ganoon kalaking pera? "

"Nay, ano pong nangyari sa loob? " agad koong taning kay nanay

"Malubha ang sakit ng tatay nyo sa puso. Di nya na kaya yung mga langis ay hilot. At kailangan nang operahan para di na lumala. "

"Nay, ipaopera na naten si tatay nay! " sabi ni Amanda.

"Hindi ganoon kadili anak, kailangan naten ng malaking pera para sa operasyon ng tatay nyo"

"Magkano po ba ng halaga ng operasyon ni tatay? Baka pwede nating iutang sa mga kapitbahay " sabi ko kay nanay

"Naku, anak hindi ganoon kadali ang makahanap ng pera lalo't masyadong malaki ang perang kailangan nila. Mahingit 250,000 pesos ang kailangan anak, hindi pa kasama ang mga gamot doon."

Ang laki ng nga kailangan na pera. Pero gagawa ako ng paraan para sa tatay ko. Para lang gumaling sya at maoperahan kaagad. Diyos ko, kayo na ang bahala aa tatay, nanay at sa kapatid ko. Gabayan nyo ho ako sa mga gagawin ko.

*-*--*-*-*-*-*-*-*
A/N:Ahm ,hope you'll like it. Paki comment naman kung ano yung mali or panget para maedit ko. Salamat.

Fabricated Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon