Fina
Maaga palang ay umalis na ako papunta sa kaibigan kong si Cristi. Magpapatulong sana ako sa kanya na maghanap ng pansamantalang trabaho para naman may pangdagdag kami sa panggastos kay tatay.
"Fina, ano bang trabaho ang gusto mo? " tanong sa akin ni Cristi habang naglalakad.
"Kahit ano naman, basta yung maayos at marangal. " sagot ko naman
"Madali lang yan Fina, pwede ka siguro sa karinderya, tutal marunong ka namang magluto "
"Yun nga din naiisip ko Cristi, kung sakali man makahanap ako sana sa pagluluto o di kaya maging kasambahay nalang tutal di pa naman ako tapos ng highschool "
Grade 11 palang kasi ako. 17 years old. Kaya di pa ako makakahanap ng trabahong malaki ang sahod.
"Di bale, makakahanap din tayo, konting tiis nalang "
Kaya mahal ko itong kaibigan ko eh. Lagi nyang pinapagaan ang loob ko tuwing nanghihina na ako at susuko.
***
"Wanted:Cook "
Basa ko sa isang karton na nakasabit sa dingding ng karinderya.
"Ate, may nahanap na po kayo?" sabay turo sa karton na nakasabit sa dingding.
"Naku miss wala pa, bakit magaaply ka? " taning naman sa akin nung babae habang binabalot ang isang ulam.
"Ah opo ate, kailangan ko po talaga ng trabaho ngayon eh " sagot ko naman
"Ah sigeh, saglit lang at tatawagin ko si madama Anne" sabi nya sabay tinawag nga si Maam Anne na siguro sya ang may ari.
" Naku, sana tanggapin ako Cristi "
"Oo naman no,tatangapin ka nila. Baka nga hindi pa nila natitikman luto mo tanggap ka na " sabi naman nya sabay tawa.
"Ma'am Anne, sya po yung nagaapky na maging cook dito. "
"Ah ganoon ba? Sige neng, pasok ka at samplelan mo ako ng luto mo ng pagkain "
Agad naman kaming pumasok sa kusina nila. Nakaupo lang si Cristi sa isang upuan.
Tiningnan ko naman yung mga sangkap kung anong luto ang lulutuin ko.
May nakita akong manok, toyo at suka. Binalak ko nalang na magluto ng adobong manok.
Una kong hinugasan ko ang karne at nilag na sa kaserola. Sunod kong nilagay ang manok , paminta, suka at toyo at betsin. Sinabay sabay ko na dahil ito ang turo aa akin ni nanay. Kaya yun nakang ang naiisip kong ibang paraan. Hinayaan ko itong kumulo upang maluto ang karne.Pagkatapos kumulo ay tinikman ko kumg tama na. Pero hi di pa dahil nga medyo matabang pa kaya nilagyan ko ng asin.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pagluluto ay natapos na. Agad ko naman itong ipinatikim kay madam Anne.
" Masarap neng ang pagkakaluto mo, ibang iba ito sa mga natikman kong luto.Kaya napagisipan ko na agad na tanggapin ka na " sabi ni madam Anne
"Naku ma'am, maramung salamat po talaga! " pasasalamat kong sabi kay ma'am
" Oh nga pala neng, 4,000 pesos ng sahod mo sa isang bwan. Kaya pagihihan mo sana ang pagtatrabaho mo dito. "
"Opo! Opo! Salamat po " sabi ko sa kanya
"Waaaaahhh! Natanggap ka! " sabay yakap kay Cristi
"Naku Cristi di ako makapaniwala. Salamat sa tulong mo Cristi " sabi ko
"Ano ka ba, para na rin kitang kapatid ano, simula bata pa tayo lagi na tayong magkasama kaya wala na sa akin yan "
"Ah teka, nagugutom ka na ba? Lilibre kita ng kwek kwek " masigla kong sabi.
"Naku, wag na Fina iipon mo nalang yan para sa tatay mo "
"Naku, hindi para talaga toh dito, sabi ko kasi sa sarili ko na pagnatanggap ako sa ano manh trabaho na papasukan ko eh ililibre kita. "
"Hayss sige na nga " sabay kamot sa ulo nya.
"Tara na!!" sabi ko naman sabay higit sa kanyang kamay.
*-*-*-*-*-*-*-*-
A/N : So lame sensya na, birthday ko bukas hehe skl. Sana madami na makabasa nento hhahaha
P. S. Kung may mali pakicomment hihih

BINABASA MO ANG
Fabricated Memories
FanfictionHanggang saan ang kayang mong gawin para sa taong mahal mo?