Minha'sNgayon na ang competition at halos marinig na nitong katabi ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang dahil sa kaba.
Nandito kami ngayon sa backstage kung saan kami inayusan kanina nung make-up artist na kinuha ng school. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng peach dress na tinernuhan ng hindi naman gaano kataas na heels.
Pasimple ko namang tinignan ang katabi ko at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang tumingin din siya sa akin. Umiwas ako kaagad ng tingin at nagkunwaring nagprapractice mag-isa nung kakantahin namin.
"Nervous?"
Napatingin naman ako sa katabi ko nang magsalita ito.
Tumango lang ako bilang sagot bago ibinaling ang tingin sa hawak kong kopya ng kakantahin namin maya maya lang.
"Kung kabahan ka man mamaya, tumingin ka lang sa...sa mga mata ko."
Para bang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin ni Joshua iyon. Hindi, mali ito Minha. Maling-mali. Mali pero ito ang totoo, totoong tumitibok rin ang puso ko para sa isang Joshua Hong.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Instead, lumabas muna ako ng waiting room para hanapin si Wade. Alam kong nandito rin siya, manonood siya sabi niya.
Call me names. Whore, Two-Timer, Manloloko, Lalakero. Wala akong pakialam. Gulong-gulo ako sa nararamdaman ko ngayon at hindi ko na talaga alam kung sino ba talaga.
Naglakad ako palayo ng waiting room para hanapin si Wade. Halos nalibot ko na ang buong 2nd floor ng building na 'to pero hindi ko pa rin makita si Wade, nasaan kaya yun?
I decided to text him pero wala akong nare-recieve na reply mula sakaniya. Triny ko rin siyang tawagan pero hanggang ring lang, hindi niya sinasagot.
These past few days, iniwasan ko si Wade. Cold ang replies ko sakaniya and hindi ko siya gaanong minemessage. Hindi ko lang kasi kayang magpanggap na ayos kami, na ayos ako. Hindi ko siya kayang lokohin, hindi ko siya kayang kausapin habang may kakaiba akong nararamdaman ulit para kay Joshua.
Aware akong nasasaktan si Wade at alam ko ring hindi niya lang 'yun sinasabi sa akin. Hindi ko alam kung papaano sabihin sakaniya na may nararamdaman ako para sakaniya at para sa ex ko. Hindi ko na alam.
Bumalik nalang ako sa waiting room nang hindi ko mahanap si Wade. Pagkapasok ko ay nadatnan kong natutulog si Joshua sa sofa na nandito sa loob.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nilapitan ko siya. Tinitigan ko ang napaka-amo niyang mukha pero nagulat ako nang bigla siyang dumilat.
Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila palapit sakaniya. Bumagsak ako sa ibabaw niya at konting galaw nalang ay magdidikit na ang mga labi namin.
Minha! Mali ito! Umalis ka na!
"Minha.."
Unti-unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin, hanggang sa...
"Minha?"
Tila ba nagising ako nang marinig ko ang boses na yun. Boses ni Wade!
Agad akong umalis doon sa sofa at inayos ang itsura ko. Binuksan ko na ang pintuan at sumalubong sa akin si Wade na may dalang pagkain.
"A-ah babe." bati niya kaagad nang buksan ko ang pintuan.
Ngiti lamang ang isinagot ko bago siya hinila palayo ng waiting room.
Hindi naman panloloko yung ginawa ko diba? Hindi nga ba?
YOU ARE READING
Minha • m.mn & h.js
Short Story"well, na sayo nga ang ruler ko. Kahit wag mo nang ibalik, pwede naman akong bumili ng bago." -Minha