Minha's"Ayos na kaya siya?"
"Mukha bang alam din namin?"
Naalimpungatan ako nang may marinig ako na nag-uusap. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kulay cream na kisame ang bumungad sa akin. Teka, hindi ko ito kwarto!
Inilibot ko pa ang tingin ko at halos magtaka ako nang ma-realize ko kung nasaan ako. Nandito ako sa ospital, pero anong ginagawa ko rito?!
"Minha!"
Napatingin ako sa sumigaw at nakita kong si Janice 'yun. Nakita ko rin dito si Jeohan, Sheena, Teffie at si...Wade.
"Mabuti at gising ka na!" sabi naman ni Sheena sabay yakap sa akin.
"Bakit ako nandito?" tanong ko na sinagot naman kaagad ni Jeohan.
"The girls saw you na walang malay sa kwarto mo. Nahimatay ka ata sa sobrang pag-iyak dahil sabi nila Janice at Teffie, narinig ka raw nila na humahagulgol bago nila mabuksan ang pintuan ng kwarto mo."
Kumirot naman ang puso ko at naalala ko nanaman ang mga dahilan kung bakit ako nagkaroon ng emotional breakdown kanina.
"Emotional breakdown daw ang nangyari sa'yo kanina sabi ng tito ko. Marami ka bang problema this past few days?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Jeohan. Instead, pinalabas ko silang lahat. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip isip.
Buong akala ko ay nakalabas na silang lahat pero nagkamali ako. He stayed. Wade's still here.
"Bakit hindi ka pa lumalabas?" malamya kong tanong sakaniya.
"Dahil alam kong kailangan mo ng makakausap at makakasama. I know you, Minha."
Napapikit nalang ako at kasabay nun ay ang pagtulo nanaman ng walang kaubusan kong luha. Kelan ba kayo mauubos?
Naramdaman ko nalang ang pag-yakap sa akin ni Wade kaya niyakap ko nalang din siya pabalik. I need this hug right now.
---------
"So Minha, anong problema?"
I sighed bago sinagot ang tanong ni Wade.
"First of all, nagui-guilty pa rin talaga ako sa pakikipag-break ko sa'yo. Pakiramdam ko, napaka-sama kong tao. Pangalawa, isang buwan nang hindi umuuwi sila Mom sa bahay. Busy sa work. I feel so alone. Next is yung mga grades ko, nagiging Ko Ko Bop na. It goes down down na." pabiro kong sabi sabay tawa ng mapakla pero mukhang hindi natawa si Wade dahil nakatingin pa rin siya sa akin ng seryoso.
"Lastly, si...si Joshua. Looks like naka-move on na nga talaga siya sa akin. He already have that...Jennie Kim?"
Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso ko nang maalala ko 'yung pinost ni Joshua na picture nila nung Jennie.
"Sila na ba?" I asked Wade but he just shrugged kaya napabuntong-hininga nalang ako.
Silence conquered us. This kind of silence na nangyayari sa amin tuwing may date kami noon. This silence that gives me comfort.
"Wade." tawag ko sa atensyon niya.
"I am very sorry, for what happened." pag-hingi ko ulit ng tawad.
He just smiled, "Minha, ilang beses ko ba sasabihin na ayos lang? Atsaka magiging ayos din ako, 'wag kang mag-alala."
Ngumiti rin ako sakanya at niyakap siya, "Sana kapag naka-move on ka na, maging magkaibigan pa rin tayo. And I hope na mangyari 'yun pagbalik ko."
Humiwalay naman siya sa pagkakayakap ko, "Pagkabalik? Aalis ka?"
I nodded, "Yes, napagdesisyunan ko na sa Japan nalang muna ako. I need to heal. I need time for my self. Besides, nandoon din sila Mom kaya susundan ko sila. Miss ko na sila, sobra."
Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Wade.
"Pero babalik ka pa naman, diba?"
I chuckled atsaka kinurot ang pisngi niya, "Oo, kapag maayos na ang lahat. Kapag naka-move on ka na sa akin." biro ko.
"Baliw." sabi niya bago ako niyakap ulit.
"I'll miss you." bulong nito.
"Same here, I'll miss you too."
-------------
na-miss ko agad magsulat ng momentum nila kaya di ko napigilan sarili ko huehue
YOU ARE READING
Minha • m.mn & h.js
Historia Corta"well, na sayo nga ang ruler ko. Kahit wag mo nang ibalik, pwede naman akong bumili ng bago." -Minha