How far can you run for your life?
How deep can you swim in the ocean of love?
What if you became immortal in your next life?
The day the ill-fated become one will be the day that the strongest force on earth awaken and the chaos will end. -Prophecy of the Immortals, 23rd Generation of the four dimensions.
Ang Achaerent ay isang kaharian na sinasakop ng iba't ibang uri ng imortal. Hindi katulad ng ibang kaharian na pinamumunuan ng isang hari at reyna, ang Achaerent ay nahahati sa apat na dimensiyon ang unang tatlong dimensiyon na kung saan naninirahan ang Tri-Royalties ang Supremo sa unang dimensiyon, Emperor sa pangalawang dimensiyon at Hari sa pangatlong dimensiyon, sila ang siyang namumuno sa kaharian sa pangunguna ng Supremo, ang katauhan ng tatlong matataas ay nanananitiling tago at iilan lamang ang nakakaalam, ang huling dimensiyon naman ay kung saan naninirahan ang normal na mga imortal.
Nakikipag ugnayan sila sa kanilang buong sakop sa pamamagitan ng mga ministro na pinagkakatiwalaan nila.
Ang kahariang ito ay may roong ibat ibang organisasyon kung saan ang mga organisasyong ito ay nabuo ng may kanya kanyang layunin.
"Siguraduhin mong malinis at walang matitirang ebidensiya sa naganap na kawalang pag iisip at labis na kapabayaan kagabi. Hindi iyon nararapat na mangyari. Ayaw kong magkaroon ng kaguluhan sa kahariang ito at mas lalong ayaw kong nililihis ang landas na nararapat ayon sa propesiya."
"Masusunod kamahalan. Ngunit kung hindi niyo ho mamasamain ay nais kong malaman kung bakit pa kinailangang pabantayan ang inyong kapatid?
Sa gayong alam naman ho natin na wala ding saysay sapagkat mabilis niya ding--""Ang mga salitang lumalabas sa iyong bibig ay pawang walang katwiran ministro. Kung hindi kayang gawin ng mga tauhan ninyo ang nais kong mangyari ako nalamang mismo ang gagawa. Dapat kong pigilan ang kung ano mang magiging banta sa kaharian."
"Ngunit Master Yce! --"
Hindi na natapos ng ministro ang dapat na sasabihin ng mabilis na nawala sa paningin niya ang kamahalan.
Vance Flinthorn's POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa mahaba at malambot na sofa upang magpahinga, nakapatong ang mga paa ko sa mesa sa harapan ko habang nakasandal ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Kung bakit ba naman kasi kayong mga babae ang hilig humabol sa mga gwapo aba kung alam niyo lang na nakakapagod tumakbo palayo para tumakas hays
"Vance tulala ka nanaman. Iniisip mo nanaman ba yung ex mong mangkukulam?"
Aba't binibweset ba ako ng gagong Homo Sapien na to? Halos maningkit ang mata ko ng tingnan ko siya ng masama.
"Hoy Homo Sapien tigilan moko sa ex ex na yan at ang mga gwapong kagaya ko ay wala ng paki sa mga ganyang bagay"
"Aba'y gago ka pala Sabien ang pangalan ko pangit kana nga bulol kapa"
"Di bale na bawing bawi naman sa mukha--"
Napatigil kami ng gago sa paglalabing labing ng dumating ang aming pinakamamahal na leader. Nakababa ang itim niyang buhok na halos takpan na ang asul niyang mga mata.
"Prepare for a code 019"
Sabay kaming nagkatinginan ni Sabien sa sinabi ng aming mumunting prinsipe na mukhang prinsesa na sa kinis ng mukha.
YOU ARE READING
Love After Death
Mystery / ThrillerThis story includes language, violence and mature scenes unsuitable for young readers. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, recording or by an informatio...