Chapter 4 : The President

1 0 0
                                    

Amaris Rosewood's POV

Pangalawang araw ko sa trabaho. Nakakapagtaka na hindi man lang ako tinanong ni Sir Saurshade kung bakit ako absent kahapon. Nakalimutan ko din siya bigyan ng Potato Fingers well I really love potatoes not just because I look like one- potatoes are my second priority first is strawberries!

Naglalakad ako ngayon sa mall at paikot ikot. Ako kasi ang napag utusan ni Sir na magcheck daw sa paligid dahil on emergency leave ang branch manager.

Napalingon ako ng makita kong naglalakad si Ash mag isa. Nakaitim na nanaman na get up as usual. Nakapants lang siya at black na long sleeves tapos nakabrush up ang buhok niya huhu ang gwapo.

Ang pinagtataka ko lang ay yumuyuko yung lahat ng makakasalubong niya. Tapos pagsakay niya ng elevator ay pinauna siya at ni walang nakisabay sa kanya.

Wala namang nakakahawang sakit ang engkantong yun ano? Like you know something that could be easily transmitted through air and saliva. Example. Cough.

"Ms Rosewood! Ms Rosewood!"


Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng isa sa mga sales girl.


"May lalaki po na nakapasok sa department store. May baril din po siya kaya nahihirapan maging ang mga guards!"


"Ano!?"


Tumakbo kaming dalawa papuntang department store. Teka anong gagawin ko dito? Hala baka ako yung mabaril!
Teka kailangan ko ba ihabilin kay Maecy kung anong kabaong gusto ko? Hindi ko pa naipagtatapat na ako ang umubos ng cookies sa cookie jar na dala para sa kanya ng boyfriend niyang si Kyro!


Isa pa baka ako yung maputukan !?
Nako delekado pa naman baka iputok ni manong dito sa loob-- ng mall ang baril?

Lumapit ako sa lalaking nanggugulo pero dumistansiya ako kahit papano. We are 4 feet away from each other. I stood as professional as I could.


"Nasaan na ang gagong may ari ng mall na 'to!? Ha?"


"Ah sir pwede po ba muna nating pag usapan sa opisina ang gusto niyo--"


*Bang! *


Napatakip ako ng tenga ng nagpaputok ito sa isa sa mga mannequin. Nanginginig ang mga laman ko at abot abot ang kaba ng biglang dumating si Ash at hinawakan ako sa braso saka itinago sa likod niya. His cold fingers surrounding my wrist sends my veins a soothing sensation which makes myself calm.


"King ako na po ang bahala dito"


Nagulat ako sa naging asal ni Sir Saurshade kay Ash. Bakit ang galang niya sa janitor? At anong King? Eh Akala ko ba Ash ang pangalan ng gwapong engkanto na 'to gumamit siya ng fake name!? OMG! Niloko niya ako? Ganito pala ang pakiramdam ng naloko? Hindi naman ganon kasakit- surprising.


"This dickhead is looking for me Leander, check the surrounding if he had brought some dumbass with him"


Nagsalubong ang kilay ko ng yumuko ito ng kaunti bago umalis.


"Looking for me? Rotten Dick."


Baling ni Ash sa matanda. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Mapa staff man o customer. Bakit ba ganito ang tabas ng dila ng isang 'to. You know? Like he cuss like there's no tomorrow.


"Ash ano ba ginagawa mo--"


Napatigil ako sa mga naririnig kong bulong bulongan.


Love After DeathWhere stories live. Discover now