Amaris Rosewood's POV
Hawak padin ako ni Ash sa kamay at panay ang pagbabaril niya sa kung saan ng may biglang lumabas na lalaki at sinipa ang kamay niya.
Nabitawan ako ni Ash kaya napaatras ako ng konti habang nagpapalitan sila ng suntok at sipa.
Napalingon ako ng masagi ng mata ko ang isang lalaking nakatayo di kalayuan sa tapat ko.
Nanlalambot ang mga tuhod ko. Katapusan ko na ba? Ito na ba? Hindi man lang ako nakapaghabilin kay Ash na lagyan ako ng patatas sa kabaong at sa strawberry farm ako ilibing.
*Bang! *
Mabilis na nilapitan ako ni Ash. Pag sinabi kong mabilis. Talagang mabilis ni hindi ko alam kung paano niya ako naabot. He was as fast as lightning.
"Ash!!"
Tinamaan siya ng bala sa balikat! Namutla ako ng maaninag ko ang dugong pumapatak sa sahig ng biglang hilahin ng lalaki si Ash at sinipa sa mukha. Ginamit naman ni Ash ang pagkakataon na hawakan ang paa ng lalaki at binali ito– rinig ko ba ang tunog ng mga buto.
"Fucking duck Amaris!"
Kasabay ng pagsigaw ay ang pangalawang putok ng baril ng lalaki mula sa malayo.
Kasabay ng pagputok ng baril ay ang paglapat ng mga malalamig na kamay na humila sa braso ko. Agad akong nauntog sa dibdib ni Ash at hinawakan niya ang likod ng ulo ko para ibaon sa dibdib niya.
Ramdam ko ang kirot, init at hapdi pati ang pag agos ng dugo sa braso kong tinamaan ng bala. I inhaled the metallic smell of my blood.
Nakarinig ako ng isa pang putok na alam kong tumama sa lalaking bumaril sa'kin.
"Bloody hell you're fucking bleeding! You're precious arms that butthole! My poor little baby! I'm gonna make them pay for this and stuck their shitty faces in an elephant's ass and burn their tiny dick and put their ashes as fertilizer to my poor dying water lily, what the fck am I talking"
Narinig kong bulong niya sa sarili at niyakap ako ng mahigpit. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Bakit niya ako niyayakap? Bakit ang komportable? Bakit parang nagwawala siya?
Marahan niya akong inilayo sa kanya. Ang sakit ng braso ko. Sobra. Inaantok din ako. Ang bigat ng talukap ng mata ko. Ganito pala ang feeling ng mabaril? No it doesn't feel cool. This is shit.
"Shit! Amaris tell me! How's you're breathing? Don't die Amaris answer my fucking questions! Those idiots!"
Ramdam kong binuhat niya ako.
"Ash kaya ko maglakad. Wag kang OA."
"No. Just, j-just ahm can you close your goddamn eyes? I mean I know they're beautiful and I was like looking at the calm starry night while staring those pretty eyes of yours but damn! Just close it in a moment!"
Mahinang tumango ako, nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ni Ash at hindi ko alam kung bakit hindi ko man makita ang nangyayari ramdam ko ang malakas na hangin at ang pagkalula.
"Don't open your eyes yet"
Hindi ko alam pero pakiramdam ko lumilipad kami ni Ash. Didilat ba ako?
-------
Sabien Sternbash's POV
"Nakuha mo na ba yung hinihingi ni King?"
Salubong sa akin ni Leander pagkababa ko ng kotse.
Galing ako sa hideout inutusan akong kumuha ng tracker.
YOU ARE READING
Love After Death
Mystery / ThrillerThis story includes language, violence and mature scenes unsuitable for young readers. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, recording or by an informatio...