Chapter 6: The Enemy

0 0 0
                                    

Strix Neatherpeak's POV

Humahangos akong nakarating sa Ashen Haunt,  hide out namin.
Hindi ito isang ordinaryong hide out may tatlong floor ito.

Ang groundfloor kung nasaan ang fully equipped gym namin. May mga vendo machine din at may restaurant na para lang talaga samin pag dito kami namalagi.

Ang 2nd floor kung nasaan ang kanya kanya naming mga opisina. Parang condo unit siya actually, may kama, banyo, walk in closet, kusina, at sala.

Ang 3rd floor nandoon ang clinic namin, mini bar at ang control room kung saan isang silid na puno ng mga computer na nakasecure sa whole area at ginagamit din sa iba pang mga technical works and businesses.

And it has a basement, nandon lahat ng gadgets and weapons. Doon din lahat ina upgrade at nandon din ang meeting room namin.

But wait there's more. Maliit lang ang at mukhang pangkaraniwan ang hide out namin kung tititigan. Guess what? That was just a cover. Our main hide out is actually under the ground.

Kung bakit ba naman kasi biglaan kung magtawag ng meeting itong Abo na hari ng mga yelo.

Papasok na dapat ako sa mismong hide out ng maramdaman ko si Vance at Leander na nasa taas ng puno.

Hindi ako nag abalang lumingon dahil alam kong may hindi tama.

Nilagay ko sa magkabilang bulsa ko ang mga kamay ko saka nag iba ng dereksiyon.

Nakita ko si King at nakatingin sa'kin.

Wait? Sa akin nga ba?

"Follow me Strix, I have to tell you something which is very important."

Ang tonong 'yun.

Nagsimula na siyang maglakad kung kaya't sumunod ako sa kanya.

Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na nakabalot kay King.

Nakarating kami sa malapit na dagat.

Napangiti nalang ako. Pinipigilan kong lumingon dahil baka mapatay ako ni King.

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa maalong dagat.

"Do you know why I off the lights in the mall that afternoon when someone attacked us knowing that I am totally blind in dark?"

Napatigil ako sa sinabi ni King. Alam kong wala siyang makita pag madilim. Kahit ngayong gabi alam kong wala siyang makita.

Nagulat ako kasi alam kong tinatago niya 'yun sa lahat at alam kong may ibang nakikinig samin kaya bakit niya sinabi?

"Bakit nga ba King? "

Pero nakisakay nalang din ako sa plano niya.

Hindi ko alam kung sino at ano ang nakasunod samin. At hindi ko malalaman kung hindi dahil sa kilos ni King kaya wala akong alam kung nasaan banda ang bweset na tsismoso o tsismosa na yun ngayon.

"Just because, I don't want her to be afraid of me. I don't want her eyes to see how dangerous I am."

Kahit delikado at mahihirapan siya, pinili niya pa ding patayin ang aliw ng mga pagkakataon na yun. Alam kong kung nakita ni Amaris si Ash sa mga oras na 'yun baka nga nanginig yun lalo.

Sumingkit ang mata ni King ng hindi ko alam kung bakit.

Puta pinipilit kong makiramdam ng bigla siyang lumingon sa kabilang side niya.

May napansin din akong yapak ng mga paa sa lugar na hindi namin dinaanan kanina.

That's it, may nakasunod sakin at naka invisible siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love After DeathWhere stories live. Discover now