Second Monday of the month. Hindi pa man din tumitilaok ang manok ng kapitbahay, gising na ako para bumangon. Na akala mo eh batang excited sa field trip.
Para maghanda sa isang bagong kabanata, pinilit kong maligo kahit pa nakakapanghina ang lamig ng tubig. Yung tipong hindi mo alam kung anong parte ng katawan mo ang una mong ito-torture na basain.
Yung feeling na ang gwapo ko today, Wearing pants paired with yellowish-white na polo.
Nakasetup na yung bag ko two weeks ago pa. Pero para makasigurado, binuksan ko ulit bago lumabas ng bahay. quick inventory check, binuksan ko yung black messenger bag ko, eto daw yung usong bag pag nasa college ka na, wala na yung malalaking backpak.
Dalawang intermediate pad para sa mga hampaslupa kong magiging kaklase na ang alam lang ay manghingi. Ballpens, Sa limang ballpen na meron ako ngayon, dalawang black at red tsaka isang blue, apat dito ay siguradong mawawala bago matapos ang isang buwan. So far never ko pa naranasan na umabot yung tinta ng ballpen ko sa pinaka dulo, either mawawala ito, magtatae o bigla na lang syang magdedecide na ayaw na nya sumulat.
Bumili ako ng binder. Yung Cattleya. Nabalitaan ko kasi na kahit hindi ka magsulat sa college, okay lang daw since walang grade ang notebook. At ang astig ng binder na may ibat ibang kulay. Damang dama mo na college ka na.
Pero sa dinami-rami ng university paper, ang pinaka importante talaga dito ay yung schedule kung saan nakasulat ang room number ng classroom ko.
Sa tulong ng bagong bili at bagong kiwi na sapatos, buong tapang akong tumayo sa harap ng pinto. Nanlalamig na para bang may isang malaking pugita ang humihila sa puso ko pababa sa kailaliman ng dagat.
'Kaya ba?'.
Kasabay ng paghinga ng pinaghalong excitement at takot...
Game Chris!
---
Halos extension lang ng inuupahang kong bahay ang eskwelahan namin sa sobrang lapit.
Isang malaki at mataas na itim na gate ang bubungad sayo papasok sa university. Mga fifteen minutes na speed walking mula sa gate ay makakarating ka na sa main building.
At dahil halos isang oras ang aga ko mula sa exact time ng klase, naisipan kong bagalan ang paglalakad at magstrategize muna kung ano mga gagawin ko.
'Higad!'
Nakuha ang atensyon ko ng mga higad na nakasabit sa puno. Para silang mga gagamba na nakabitin ng sobrang baba kaya mukha tuloy silang nagfo-float sa hangin. Alam mo yung scene sa Harry Potter kung saan unang beses nilang makapasok ng Hogwarts? Nung may sumalubong sa kanila na 'floating candles'. Parang ganito yun. Kaya masasabi kong ito ang own version ko ng Hogwarts. At yung mga higad ang floating candles ko.
Habang naglalakad, iniisa-isa ko na lahat ng mga magiging plano ko sa buong freshmen life ko:
Una, uupo ako sa gitna. Mga bandang 2nd row. Naka plano na din na kung may mga classmate ako nung highschool na pumasa sa entrance exam ay sila ang una kong lalapitan at tatabihan sa upuan. Advantage narin yun kasi automatic na may ka-group na kami agad. Nasa plano ko rin ang kabisaduhin kung paano ang grading system.
Yun kasi talaga yung part na nagsasalba sakin sa tamad kong lifestyle.
Simple lang naman kasi ang way para maging mas exciting ang school life mo: isipin mo na isang game ang pagaaral. Think of the syllabus or grading sytem as a walkthrough. When I was still in high school, meron akong class sa filipino na 40% ang recitation sa kabuuang grade. Ang taas nun. Kaya ang ginawa ko? Wala akong naging ibang focus kundi magtaas ng magtaas ng kamay. Either para sumagot sa tanong o naman kaya eh magtanong.
BINABASA MO ANG
Project Artifice
AdventureCHAPTER 0 "Everything starts with a wish..." Dalawa lang naman ang plano ko bago tumungtong ng university. Una, maging "shadow". Hindi ito yung parang emo na magtatago lang sa isang sulok tapos magpapatugtog ng mga kantahan ng My Chemical Romance at...