CHAPTER 4 : APPLE TREE

2 0 0
                                    



Hindi ko alam kung pano nagkaganito. Like 'fish out of water', hindi ako makahinga. Napapaligiran ako ng ng mga tao na di ko kilala.

Groupings.

Hinati sa anim yung class. Magkakasama sina Goya, Jek, Ciro at Lucas sa isang group habang ako naman ay napunta sa grupo nila Charlotte, Olivia, at 3 iba pa.

Quest: Magdrawing sa isang cartolina ng isang simbolo na nagpapahiwatig sa salitang "Communication".

"Try natin yung satellite dish. Yung parang sa mga radio station", proposal ng isa pang lalake sa group na maputi, malaki katawan, chiseled ang mukha, medyo may pagkasuperman except sa ilong na naghe-hello sayo ang butas.

"Corny mo Andrew", sagot ni Charlotte so I guess Andrew yung name nung lalake.

"Wait sino ba marunong magdrawing satin?", sabi ng isang babae na medyo hawig ni Whoopie Goldberg "Oy Vivian, ikaw na magdrawing!", pahabol nya habang itinuturo ang isa pang babae na parang nagkatawang jollibee sa lake ng pisngi.

"Luh, lokohan Brianna Navarro?", sagot ni Vivian aka. Jollibee. "Pucha ka buong buo pangalan ah".

Nagtuloy sila ng bangayan. I guess magkaibigan sila if kaya nilang magbiruan ng ganun. Highscool classmates din siguro. good thing is nakakuha ako ng basic information, nakuha ko name nila at yung basics ng relationship nila sa isa't isa. okey now...

'Chris, think. If this is a game, a puzzle or a quest, how do we solve this?'

Let's start. How many people are participating in the party? Total of six. Time alloted to us was 30 minutes. We already used 5 of those. Invetory check. Materials available:2 pencil, 1 eraser, 1 ruler, 2 cartolina, 2 pentel pen and 1 green highlighter

Processing given problem. Chris... Think! Let's try word and idea association. Game!

'Open all doors'

'Activate Skill: Association'

'Draw'

'Symbol'

"Communication'

'Symbol'

'Language'

'Different Language'

'Different Time Period'

'Growth of Language;'

'Evolution'

'Communication'

'Growth.'

'Symbol'

'Tree!'

Perfect ang tree as a symbol.

"Tree!", sagot ni Charlotte at biglang natahimik ang lahat, lalo na ako. Wait- what? Pareho kami ng naisip?

"Gusto ko ng puno. Yung parang apple tree", nagpatuloy sya ng pagpapaliwanag. "Pwede nating sabihin na 'Communication gives fruit to relationship' which yun naman yung symbol ng apple."

The heck... relationship?

"So sino magdo-drawing?", tanong ni Brianna. "Ako na. Nagdo-drawing ako dati sa mga poster making contest" biglang pabida ni Charlotte.

I know how to draw. To be honest, isa sa talent ko ang drawing. Hindi ko masasabi na super galing ko magdrawing pero sa mga kaedad ko, masasabi ko na above average ako. And since sinabi nya na madalas sya magdrawing sa mga poster making contest, medyo mataas ang expectation ko- since yun yung isa sa mga contest na madalas kong salihan dati, aside sa quizbee at boardgames. Kinuha bigla ni Charlotte ang pentel pen at nagsimulang nagdrawing ng puno sa cartolina. Bold move to start na ink agad at di muna nagpencil. Sa bawat strokes nya ng pentel pen sa papel ay may isang damdamin na bumabakat sa puso't isipan ko. Sa bawat dahon na nabubuo ng kanyang tinta, sa bawat tangkay na nakausli hanggang sa mga ugat na dumadaloy sa lupa...

Project ArtificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon