CHAPTER 7 : CAT IN THE BOX

3 0 0
                                    



Sunday Morning.

last night felt like a dream.

"Next weekend"

Shit!

anim na araw pa.

Mabilis naman sigurong lilipas yung oras kaya ayos lang yan, I just need to make myself busy.

Now, ano kayang pwedeng gawin? Medyo lutang ako kagabi at di makatulog kaya natapos ko yung assignments na binigay samin. need to find something else to do. Pero bago yun, bibili muna ako ng pagkain. Nag-Yakisoba na ako nung isang araw kaya iba muna ngayon. Every 4 days dapat ang interval ng pagkain ng noodles.

Hilamos.

Suot ng damit.

Punta sa kabilang street.

Bumili kila aling Ising.

Bumalik.

Nagbukas ng PC.

Nilabas ang syllabus.

Let's do this.
Montage time.

Pinatugtog ko yung "We Are Electric" para may effects. Mas maganda mag-advanced reading kapag may upbeat na tugtog. 'Di nga lang effective sa pagre-retain ng information sa memory. Kaya pagkatapos ng isang pasada ng kanta, nilipat ko agad sa "Fur Elise". Bahala na si YouTube sa mga susunod na music.

10:00 PM

And I'm done! Shit I can feel my brain hating me already.

I looked at my phone.

0 new messages.

'next weekend?'

damn.

"chris... itulog na natin to... sheeeeeeet!" bigla akong napasigaw magisa

I hate the waiting game.

fade to black.

Kinabukasan, maaga ulit akong gumising. As usual, morning rituals. 'Di pwedeng hindi gawin. Hilamos. Suot ng uniform. Chineck ko ulit yung gas at kuryente kung may nakabukas ba or what. All good.

[deep inhale}

"haaaay... game!"

Naglalakad-lakad lang ako sa grounds ng university. Fina-familiarize ko lang yung sarili ko sa lugar since wala pa naman sila. O baka wala pa sila kasi wala pa ako sa room. Sige na nga, aakyat na ako.

"Master!"

Nandito na pala si Jek. Papunta siya sa direksyon ko kaya sinalubong ko na.

"Ang aga mo naman," sabi ko. Nagulat ako eh.

"Anong maaga? Late na tayo, oh!" sabay turo sa orasan sa may pader.

7:16

"8 pa ang klase oy," sabi ko. Alam ko namang nantitrip lang 'to. "Laos na 'yan."

Tumawa na lang siya.

So tumapak na ako sa sahig ng room. Konti pa lang naman ang tao. In terms of attendance, parang noong high school lang din pala. Paisa-isang dumarating yung mga estudyante until 10 or 15 mins na lang, then magsisidagsaan na sila.

Naalala ko bigla noong high school, noong araw-araw traffic dahil inaayos yung kalsada kaya kailangang umalis sa bahay nang maaga. Mga three months na sinarado yung kalsada dati kasi wala na atang ibang hobby yung mga water services dun kundi magbitak at mag semento ng lupa. Dati madalas napapagalitan yung section namin dahil isang malaking himala kung lahat ay pumasok on time, laging may nalelate... Good times!

Project ArtificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon