CHAPTER 5 : MATING RITUAL

1 0 0
                                    



"Christian!", palabas na ko ng kwarto namin nung tinawag ako ni Andrew.

"Tara sama ka samin mag-lunch ngayon!", sa may hallway ay nakatingin na sakin sila Jek at Goya. Nag-aantay.

Quick decision-making event:
Sumama sa grupo nila Andrew o sumama sa grupo nila Jek at Goya.

"Emma! Isama mo na yan!", sigaw ni Ciro.

Bigla-bigla ay may babaeng humila ng kamay ko. Since wala na akong oras magdesisyon, sinabi ko na lang kila Andrew na sa susunod na ko sasama sa kanila. Pero sino to?.Pamilyar yung mukha ng babaeng humihila sakin. Maliit lang sya, mga around 5 flat, straight ang buhok na abot balikat at medyo malaman. Hindi sya yung chubby na plus size na. Siya yung chubby na tama yung kurba sa katawan- 'Voluptuous'.

"Oh ano? Susungitan mo na naman ako ngayon?", biglang tingin nya sakin. And kasing bilis nun ay umirap sya palayo. Cute. May personality sya pero sino sya?. Dinala nya ako papunta sa grupo nila na kasama yung kambal, sila Jek at Goya at isa pang babae.

"Wait. Sino ka?" Cold. Direct. Precise.

"Ay wow! Ganyanan Mr. Cruz?", nakangiti nyang tinanong.

"Seryoso. Hindi kita matandaan. I have the memory of a go-"

"Memory of a goldfish? Sus highschool pa lang sinasabi mo na yan."

"Classmate kita nung highschool?"

"Hala so classmates mo lang yung mga natatandaan mo?"

"Actually, 70% sa kanila di ko na kilala"

"Ay grabe sya oh. Ako yung girl-bestfriend ni Kevin, yung bestfriend mo?"

"Kevin? As in batang-amang-Kevin?"

"Oo. Pinakilala nya ko sayo dati. Di mo natatandaan?"

"Honestly, no."

Sa mga panahon na yun naramdaman ko na mas lalo nyang diniinan ang paghawak nya sa kamay ko. At narealize ko na nasa canteen na kami at hawak pa din nya ang kamay ko.

Pro tip: Kung gusto nyo tanggalin ang pagkakahawak sa kamay nyo ng ibang tao, maglabas ng panyo at ilagay sa gitna ng kamay nyong dalawa. Kapag napansin nila ang ginawa nyo, sabihin nyong, "pasmado ka!". Maco-conscious sila at parang knee-jerk reaction na tatanggalin nila sa pagkakawahawak nang kamay nyo.


"Ang sama mo sakin!"


Feeling close si Ate. Ayaw ko magmukhang rude pero ayaw ko din naman na maging sobrang accomodating sa kanya. Karinderya ang peg?

"Ang cute mo magsungit", perfect line to shut down the conversation. Namula sya at tumalikod.

Nakita kong nakapila na ang grupo ko sa canteen para mamili ng pagkain. And since di ako nakapag baon, inisip ko na bumili ng rice meal. Fried chicken. Calorie packed and swak pa sa presyo. Wag lang malasin na wings part ang mabigay na halos walang laman. Habang nakapila, nakikita ko na hotdog sandwhich at spag ang binibili ng lahat ng nasa unahan ko.


Fried chicken... pero mukhang masarap yung hotdog.

Fried chicken... bagong flavor ng munchers oh.

Fried chicken... hotdog na naman in-order nung isa.

Fried chicken... fried chicken... fried chicken...

"Ano sayo 'to?"

"Hotchicken po!"

Cringe.

Brain, what the heck?

Project ArtificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon