CHAPTER 6 : FOURTEEN

2 0 0
                                    



[phone alarm buzzing]: TEEEET... TEEEET... TEEEET... [sound stops] Sinubukan kong pigilan ang hininga ko: 1... 2... 3... 4... 5... 6... 7- INHALE!

"Alright!", sabay exhale. "Gising na ko..."

Bigla bigla kong hinanap yung phone ko, kapa-kapa muna sa kama hanggang sa naabot ko yung phone sa ilalim ng unan ko.

'3 messages?'

MESSAGE 1:

Ciro: 'Pre wag mo muna sabihin sa iba yung sinabi ko sayo ngayon ah! salamat ulit. Goodnight!'

May pahabol pa pala si Ciro pag tapos ng usapan namin kagabi...

MESSAGE 2:

Unknown number: 'Oy Mr. Sungit, Emma to! Hiningi ko kay Jeric yung number mo. Ask lang sana kita if magbago isip mo, 2:30 yung oras nung papanoorin namin. Habol ka!'

Not today...


MESSAGE 3:

Goya: ' "Love is when the other person's happiness is more important than your own..." Good Night mga tao! [GMniNDG]'

Nyeta uso pa pala ang GM ngayon?

'Chriiiiis... is it too late para magpalit tayo ng mga kaibigan???'

10:02 AM

I opened the T.V. di para makinig. Gusto ko lang ng konting ingay kasi masyadong tahimik yung bahay pag mag-isa ka lang.

[phone vibrates] text message received

"Shit. Don't tell me sila na naman to..."

MESSAGE 4:

Sam: 'Yo Chris, game ka mamaya? If so, daanan mo ko dito sa bahay bago ka pumunta. Riding in tandem na tayo sa motor. Di kita pwedeng sunduin kasi out of way ka hahaha!'

'Yup, kita na lang tayo Pre. 3pm nandyan na ko...'

Send message. Make coffee. Cooked eggs. Eat. Take a shower. Nap-

[phone alarm buzzing] TEEEET... TEEEET... TEEEET... [sound stops]

1... 2... 3... 4- exhale "I'm Up!"

2:07PM.

Took a shower. Get dressed.

"Blue or red?"

"Hmmm... Blue..."

Takes on blue shirt. Checks water. Checks gas. Checks electrical outlets. Locked door.

3:15PM

"Sam!", sigaw ko sa labas ng bahay na may kulay pulang gate- bahay nila Sam na barkada ko dati nung elementary. Sya yung isa sa mga nakasundo ko. Pareho kami ng trip -mga bagay na di cool. Nung nauso yung tamiya, nagkaroon din kami ni Sam nun. Pero 1 month after nitong malaos. Same nung nauso yung Yo-Yo, Beyblade at iba pa. Kaya napagkasunduan namin na gumawa na lang ng sariling "uso" para samin. Science experiment. Isa kami sa unang nagdala ng magnifying glass nung elem sa school. Para sa science project? Nope!

You see... pareho kami ni Sam na 'pyromaniac'. Nagsimula kami sa posporo, lighter and yung isa sa pinaka highlight is magnifying glass. Ang cool lang na magsunog dati ng mga dahon at langgam nung bata ka. Medyo morbid man pero it gives you that weird feeling. That sense of power na yung buhay nila ay nasa kamay mo at between you and them ay isang salamin.

Project ArtificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon