2: Art Kirk

220 6 1
                                    

Chapter 2: Art Kirk

Zoe

Something hit my car. Nagulat ako at halos hindi ako makahinga dahil sa matinding paninikip ng dibdib ko. Umingay ang paligid para akong nilulunod ng mga pangyayari na halos magparalisa sa buong katawan ko.

Ilang minuto din akong natulala hanggang sa makabalik ang ulirat ko mula sa kawalan. Nabangga ako! For the entire time of my driving life, nabangga ako!

"Get out!" I heard a man's voice. Is he referring to me?

"You, stupid! Get out!" He shouted again, "Get out of this fucking car!" And again.

Uminit ang tenga ko, 'yung dugo ko kumulo at pakiramdam ko masisira na ang manibela sa sobrang higpit ng kapit ko. Kaya naman lumabas ako ng kotse ko at hinarap ang lalakeng kanina pa sumisigaw.

"What the hell are you doing?!" Sigaw ng lalake kaya naman hindi ko na napigilan ang inis ko at sinigawan ko din siya.

"What are you talking?! Ikaw ang bumangga sa 'kin, FYI!"

"Damn! Bulag ka ba?! Ako ang nasa linya! I have the right of way!" Sigaw pa niya.

"Wow! I made a signal to the left! Tanga ba ako para magleft na lang bigla knowing na may sasakyan na paparating?!" Depensa ko.

"That, I don't know! You should at least checked your side mirror bago ka kumaliwa!" Grr. Ginigigil talaga ako ng buwisit na lalakeng 'to!

"Look. I made a signal to my left and I made it clear that I will turn to the left side, it is not my fault that you are a reckless driver!" Sigaw ko.

"What the fuck did you say?" Sabi niya habang nakatingin sa 'kin ng masama.

"What the fuck did I say? I'm saying that you are reckless! Instead of apologizing you even insisted that you have the right of way!" Galit na galit na sigaw ko.

"Kahit sinong makakita sasabihing kasalanan mo 'to!" Sabi niya, sasagot pa sana ako kaso napatigil ako dahil sa ingay ng mga sasakyang naipit sa traffic dahil sa banggaan 'min.

Ang daming nakatingin sa 'min, napalibutan na kami ng mga usisera't usisero. Ang pagbangga ng sasakyan niya sa sasakyan ko ay nagdulot ng matinding traffic kaya naman nagagalit na ang ibang motorista.

"Ayusin niyo buhay niyo! Ang aga aga nagkatraffic dahil sa inyo! Mga buwisit kayo!" Narinig kong sigaw ng driver ng truck.

Ilang saglit pa'y may dumating na ang traffic enforcer. Kinausap niya kaming dalawa pero gano'n pa din ang pinipilit ng lalake, na kasalanan ko daw ang lahat. Leche siya. Pinicturan ng traffic enforcer yung sasakyan namin pareho at gano'n na din ang ginawa ko.

"Ang mabuti pa po, Miss, Sir, sa Police Station na lang kayo magusap. Tutal wala ni isa sa inyo ang balak magpakumbaba eh." Sabi ni kuyang enforcer.

"Tsk." Kapal talaga ng mukha. Siya pa ma'y gana magalit e siya na nga 'tong bumangga sa 'kin.

"Ma'am, kunin ko po lisensya niyo." Agad ko namang iniabot sa kaniya ang lisensya ko at gano'n din ang lalake.

"Ganito, pagpapalitin ko ang lisensya niyo para makasigurado tayo na walang tatakbo. Ma'am hawakan mo muna ang Driver's license ni Sir, at kayo naman Sir sa inyo muna ang license ni Ma'am. Punta po kayo sa Police Station, diretsuhin niyo lang po ang kalsada na 'to tapos kanan kayo. Unang kanto, tabi ng Mercury Drug ang Police Station." Sabi ng traffic enforcer.

Yung hambog na lalakeng nakabangga naman sa 'kin biglang sumakay sa kotse niya saka umalis. Kaya naman nagmadali na din ako para sundan siya. Ilang minuto lang ang nilakbay namin at narating na din namin ang Police Station.

The Badass Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon