3: New face

173 5 3
                                    

Chapter 3: New face

Zoe

Gasgas ang sasakyan ko, umagang umaga nabadtrip pa ako sa isang lalakeng napakasama ng ugali. Ang yabang yabang pa ng kupal na 'yon! Isampal ko kaya sa kaniya 'yung Gucci kong bag? Grr!

"Bwisit siya!" Bulong ko habang binabaybay ang kahabaan ng campus. Nasa quadrangle ako ng Stafford University at kasalukuyang naliligaw. Sa sobrang laki kasi ng Stafford ang hirap ng lakarin.

"Excuse me, do you know where's the—"

"Welcome to the jungle"

OKAY. So, anong ibig niyang sabihin 'don? Okay lang ba siya? Anong welcome to the jungle ang pinagsasasabi nitong lalakeng 'to?

"Newbie?" Nakangiting tanong niya sabay akbay sa balikat ko. Hindi ako natutuwa sa kinikilos ng lalakeng 'to at mas lalong hindi ako natutuwa sa ngiti niya.

"Yes. Alam mo ba kung saan ang Biology Building?" Tanong ko habang inaalis ang kamay niyang nakasukbit sa balikat ko.

"Yes! Of course! Diretsuhin mo lang ang building na 'yan, tapos kanan, 'pag dating mo sa dulo kanan ka ulit. That's all you need to follow. Bye, miss beautiful! Good luck!" Kumaway pa siya at ngumiti ng nakakaloko. Feeling niya siguro nauto niya ako! Tsk.

Siyempre hindi ako naniwala sa kaniya at naghanap ako ulit ng matatanungan 'yun nga lang pare-pareho sila ng sinasabi, diretso, kanan, 'pag dating sa dulo kanan ulit. So, I have no choice but to follow the instruction. Nagsimula na akong maglakad, sinunod ko ang sinabi nilang direksiyon, well okay naman—sana. Not until I saw a group of men, four to be exact, wearing a black t-shirt and looks like a—I really can't describe.

"Hey! Hey! Hey!" Hinarangan ako nung isa kaya napaatras ako.

"New face!" Sabi naman nung isang lalake na humarang naman sa likod ko.

"Anong course mo, miss?" Tanong nung lalakeng naunang humarang sa 'kin, kasabay ng tanong niya ang paghawak niya sa bag ko kaya naman napaatras ako.

"Stop touching my bag!" Saway ko pero mas lalo siyang napangiti at mas lalo siyang nagtangkang hawakan ang bag ko. "Sinabing 'wag mong hawakan 'yung—Agh!"

Napasigaw ako at napasalag ng biglang umamba 'yung lalake, sa sobrang salag ko para na akong tanga. Akala ko kasi sasapakin niya ako, akala ko lang pala. Kasi bigla niyang hinigit 'yung bag ko gamit nung isang kamay niya.

"Akin na 'yan!" Pinilit kong agawin pero pilit niyang inilalayo iyon sa 'kin.

"Hoy, ano ba!!!" Sigaw ko pa. Nakikipag-agawan ako ng bag ko do'n sa lalake nang may biglang humatak sa braso ko, napatianod na lang ako dahil sa mahigpit na pagkakakapit niya sa kamay ko. Mabilis ang takbo namin hanggang sa dahan dahan na siyang huminto. Pareho kaming hinihingal at naghahabol ng hininga.

"Hah — hah — hah!" Hingal na hingal kami at halos manikip na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napaupo na lang ako sa hagdan habang naghahabol ng hininga.

"Muntik ka na" Unti unti, kumalma na kaming dalawa.

"Yung bag ko..." Halos hindi ko mabuo ang salita ko dahil sa sobrang hingal.

Mula sa likod niya, iniangat niya ang kamay niya at do'n, nakita ko ang bag ko, ligtas at nasa maayos na kondisiyon pa.

"Thank you!" Sa sobrang saya ko nayakap ko siya at halos hindi ako matigil sa kaka-thank you ko sa kaniya.

"Transferee ka dito?" Tanong niya nang humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Tungo lang ang naisagot ko.

"Kaya pala..."

"Ha? Bakit?" Anong meron sa pagiging transferee ko?

"Stafford University is one of the most prestigious University in the Philippines, halos lahat ng course sa Pilipinas inooffer ng school na 'to. Bukod pa do'n, aware ka naman na lahat ng estudyante dito ay galing sa mayayamang pamilya 'di ba? Kaya kini-claim ng University ang title nilang 'most' prestigious. Iyan ang tingin ng mga taong nasa labas..." She cleared her throat, wipe her sweat and tuck her hair at the back of her ear.

"...but, what they didn't know is that, students are performing initiation to those who are new and no one dares to stand"

Nakaramdam ako ng takot dahil sa kwento niya. Kahit ngayon ko lang siya nakita, alam kong hindi siya gumagawa ng kwento.

"Anong klaseng initiation?"

"It depends"

"Ikaw? Anong ginawa nila sa 'yo?" Tanong ko.

"I haven't experience it." Sagot niya.

"Why? I mean, what's with you kaya hindi ka nila napasailalim sa initiation nila?" I wipe my sweat.

"I don't know. Maybe, they just don't like." Sagot niya. Something in her answer made me so curious.

"Basta, 'wag kang papayag na tawagin kang new face, as much as possible, iwasan mo ang Badass. Don't come near them." Tumayo siya ng maayos at tumingin ng seryoso sa 'kin.

"New face? Badass?" Ano at sino ang mga 'yon?

"New face ang tawag nila sa target nila, as defined by them, 'yun 'yung mga tao na bago sa paningin nila. If you're lucky, you'll be the new face for a week. But if you're not, you'll be their target for a couple of months." I was totally and undeniably afraid.

"Eh, ano naman 'yung Badass?"

"That's the name of their group. Badass consist of many members but the founders are only three. You'll know them one by one sooner or later or just wish you wouldn't cross paths with them." She was serious.

"Okay." Natatakot ako dahil sa sinabi niya, sa totoo lang.

"Anyways, I'm Akisha Kate, you can call me Aki or Akisha or Kate if you want. Nice meeting you." Inextend niya ang kamay niya para makipag-shake hands na inabot ko naman agad.

"I'm Maria Zoella, Zoe for short. Don't call me Maria or Zoella, 'cause I hate it." Then, we both laughed.

Seriosuly, I hate being called by Maria or Zoella, I don't know. I just hate it. I mean, I badly hate it, badly.

"Anong course mo pala?" She asked.

"B.S. Biology, ikaw?"

"OMG! Same tayo!" Tuwang tuwa siya at gano'n din ako.

"Are we in the same class?" Tanong ko. Kinuha niya ang hawak kong papel na naglalaman ng mga subjects na iti-take ko.

Ngumiti siya, "Welcome to Block 301! Classmates tayo Zoe! Yey!"

Then, at that time, I know that I finally met a new friend.

But, who's the three Badass? Am I going to be the new face?

The Badass Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon