CONTINUATION:
Pero kasi... haisst wag na nga..
Habang nakaupo sa terrace at pinagmamasdan ang mga dumaraan, hindi ko maiwasang maalala yung dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya.
(FLASHBACK)
[Pagbaba ko ng hagdan papuntang sala, naabutan ko sila ate at mom na sobrang seryoso ang mukha, ngayon ko lang ulit sila nakitang ganyan.. ayan na naman.
ATE: Oh bunso.. gusto ka makausap ni dad... (sabay abot ng phone sakin)
AKO: Hey dad.. kamusta na po? Thanks nga po pala sa shirts at shoes ah..
DAD: You're welcome anak.. Hiro, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa. I want you to come with me, uwi tayo ng japan.
Natulala ako sa narinig ko, nakakabingi parang ayaw gumana utak ko nun. O baka mali lang ako ng dinig.
AKO: But dad, graduating na po.. next year nalang, sayang naman po. OJT nalang naman po dad eh.
DAD: Napa-usapan na namin yan ng mom mo, kakausapin niya ang admin ng school niyo, sa japan mo na lang itatake- up yung OJT mo.
AKO: But dad... naka-apply na po ako eh.
DAD: HIRO! WHETHER YOU LIKE IT OR NOT. SASAMA KA SAKIN.
(hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ng mga oras na yun.. hindi pa rin nagbabago si dad. Gustong sumigaw! Habang pinagmamasdan ako nila ate at ni mom na hawak ang phone, hindi ko maiwasang maluha. All this time.. wala akong naalala na natalo namin si dad. He's the king and will always be the king. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon ayaw pa rin mag-asawa ni ate.)
WWWWWWWWWWWAAAAAHHHHHHhhhh... bakit ngayon pa??? BULLSHIT!Ayan yung mga salitang gusto ko man bigkasin ay hindi ko magawa. Bakit ngayon pa kung kelan nakilala ko na siya.
Magkachat kami ngayon.. ayokong ipahalata sa kanya na may problema ako. Haisst.. naging madali lang para sakin itago ang ang nararamdaman ko kasi madali lang itype yung “HAHAHAHAH” diba?... dalawang letra na kung uulit-ulitin mo lang sa pagtype at kapag nabasa nila nakakahawa na. Pero sa likod ng mga letrang yun may hinanakit na nakatago pala.
Mabilis lumipas ang oras, umaga na pala. Ayokong malaman niya pa sa iba, ayokong pahirapan siya. Mas gugustuhin ko pangsolohin ang sakit kaysa naman madamay pa siya. Hindi pa naman kami ganun katagal, kaya sigurado akong kakayanin niya to.
(END OF FLASHBACK)
TO BE CONTINUE.