Scene: 1

15 0 0
                                    

"Pwede ba tigilan mo na yang pag iimagine Len" Natatawa kong sabi sa kaibigan kong kung makapagimagine eh parang hopeless romantic.

"Bakit? totoo naman na dapat ganung mga lalaki ang dapat sakin no! tall, black and handsome"-- sabi niya na parang kumikinang pa ang mga mata  "Hindi yung kung sino-sino lang diyan na ang lalakas ng loob manligaw eh kala mo--"

"Akala mo ano? sus! gwapo naman yung mga nanliligaw sayo ah katulad ni joseph mabait, mayaman, magalang siguradong rerespetuhin ka ayaw mo ba nun?" Nagsalita na ako bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

"Yun na nga Eyla! rerespetuhin ako ng wagas baka nga habang buhay pa pag nagkataon baka maexpire lang ang matress ko sa kanya no! syempre gusto ko naman yung maginoo pero medyo bastos." 

"Ano ka ba mae-expire talaga? at ano? maginoo pero medyo bastos haha baliw ka na friend" Sabi ko hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya. "Alam mo kasi malay mo mataas lang talaga ang respeto sayo nung tao at saka nanliligaw pa lang naman yun no anong gusto mo bastusin ka agad? tsaka try mo kasing sagutin baka pag naging kayo eh magtransform yun, sa pagiging agresibo mo imposibleng hindi"  Sabi ko na natatawa pa rin. kakaiba kasi tong kaibigan ko ang gusto eh yung nagbibigay yung tao ng motibo. Liberated sya dahil nanirahan din sya sa amerika ng ilang taon pero alam ko naman na virgin pa yan ganyan lang talaga sya at ni minsan walang nagustuhan sa mga manliligaw niyang kung sambahin sya e parang dyosa. Oh well maganda naman talaga yang kaibigan ko, mabait at makulit kaya nagkaka sundo talaga kami.

"Ay basta! mahahanap ko din ang 'the man of my life' ko" At bumalik nanaman sa pagtingin sa kawalan na akala mo may dadating na gwapong nilalang na magpapa-ibig sa kanya

"Hay nako dream man mo lang yan kasi hanggang panaginip na lang yang gusto mong mangyari wala nang tall, black and handsome na lalaki ngayon lahat mapuputi na dahil uso ang glutathione!" Sabi ko at bigla siyang tumingin sakin na parang may sinabi akong nagparealize sa kanya.

"Ay basta! makakahanap din ako nang ganun tiwala lang!" At bumalik nanaman sa pag iilusyon

"Bahala ka na nga diyan. aalis na ako ha hintayin mo nalang si monic dito at pupunta muna akong NB titingin ng books" Sabi ko tinutukoy yung isa pa naming kaibigan. Nagbeso na lang ako sa kanya kasi mukhang hindi niya narinig paalam ko tumango lang sya  at patuloy sa pagtingin sa kawalan.

Hindi pa ako nakakalabas ng cofee shop na pinagtambayan namin may nauna ng lumabas sa akin na lalaki mukhang nagmamadali kasi talagang inunahan pa ko sa pag push ng glass door at hindi ata napansin na may tao sa harap niya dahil nabunggo niya pa ako, grabe walang manners naman nun hindi man lang nagsorry. Haist never mind.

Mahilig talaga akong tumingin ng libro evrytime na feel kong magtingin ng books kahit hindi ako bibili pumupunta pa rin ako sa National, ewan ko nakasanayan ko lang talaga lalo kapag nabobored ako. Tumitingin ako sa bestseller at may libro akong nagustuhan kinuha ko yun at binasa yung likod nang biglang may nag posas ng kamay ko. Pag angat ko ng tingin isang anghel---- gwapo ---- matangkad ---- maputi at nakatitig na lalaki sa akin.

"You're underarrest"

"Huh?" natulala ako sa mukha niya, sa gandang lalaki na kaharap ko ngayon.

"You are underarrest"- ulit niya in a serious tone.

I head to toe him saka ako tumingin sa libro na hawak ko pabalik sa gwapo niyang mukha na seryoso pa rin. "Teka, hindi ka naman mukhang security guard o police ano ka sibilyan?"

"Huh?" at sya naman ang nagtanong niyan.

"At kahit police o guard ka man ano namang kasalanan ko at inaarrest mo ako? -- I snap buti nalang wala masyadong tao sa pwesto namin "Kasalanan na bang tumingin ng libro sa NATIONAL BOOKSTORE? at teka ulit hawak ko pa lang yung libro bawal bang--------" he cut me off

"You are underarrest sa kasalanang ninakaw mo ang puso ko" He said with a neutral face at doon na ako natanga, hindi ako makapagsalita, natulala ako sa gwapo niyang mukha. Seryoso naman siya mukhang hindi nagbibiro. Ang tagal ko sigurong nakanganga sa kanya bago nag sink-in sa utak ko yung sinabi niya at tumawa ng malakas as in malakas

"HAHAHHAHAHA" Seryoso pa rin siya, tawa pa rin ako ng tawa ng mapansin kong ang dami ng nakatingin sa amin so I stop laughing pero di ko mapigilan kailangan ko pang paypayan ang sarili ko na para bang nawawalan ako ng hininga bago nagsalita ulit.

"Ano to joke? may camera ba dito? nagshoshooting ba kayo at nakuha niyo akong extra? o baka nasa Wow Mali ako?" Dire-diretso kong tanong habang pigil-pigil ang tawa pero nangunot lang ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nababaliw. Seryoso pa rin siya at titig na titig sa akin.

"Teka wag mo sabihing takas ka sa mental?" Tanong ko. Jusko ang gwapong baliw naman neto.

"Kailangan mong makulong" sa wakas nagsalita na sya at hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nagsalita ulit sya o maiinis ako dahil nasa amin na ang atensyon ng halos lahat ng mga tao dito sa national bookstore.

kaya no choice kundi hilahin siya palabas at baka pagkamalan pa akong magnanakaw dahil sa posas na nakalagay sa kamay ko. Grabe nakakahiya to.

"Hoy Mr Stranger.!  hindi kita kilala o kahit namumukhaan man lang this is the first ever encounter natin so I think nababaliw ka na" I said "at pwede ba pakitanggal tong posas" sabi ko at thank God ginawa niya naman.

Bigla namang tumunog ang phone niya tumalikod sya sakin saka sinagot ang tawag. Hindi rin nag tagal ay hinarap niya ulit ako-- he sigh

"Next time-- I'll just arrest you some other time I need to go, take care" is all he said at umalis na siya. Natulala na naman ako ano yun isang prank? I can't believe this kanina lang kausap ko ang kaibigan ko at ngayon nabiktima pa ako ng kung anu-anong mga kalokohan diyan. Napansin kong nakatingin pa rin sakin yung ibang tao kaya nagmadali na akong umalis ng mall at umuwi. Hayss buhay

*   *   *

what do you think guys? :) ayos lang ba? any suggestions? comment? violent reaction? lol

sana magustuhan niyo po. please vote and comment thank you :*

Not a typical sceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon