"At saan na naman galing ang prinsesa ko?" napatingin ako sa nagsalita kakauwi ko lang kasi ng bahay paakyat na ako ng hagdan papunta sa room ko dahil sabik na sabik na kong maligo at magpahinga. I feel exhausted.
"Daaaaad! ang aga mong umuwi ah. Nakipagkita ako kay len kanina at pumuntang National para bumili ng libro" Nagmano ako kay daddy sabay kiss sa cheeks niya. Sweet talaga ako kay dad sobrang close namin kahit na sobrang taas ng expectation niya sa akin. Mabait kasi siya at laging nandiyan kapag natrotrouble ako lagi niya pa akong pinagtatakpan kay mommy.
"And? nasaan naman ang binili mong libro?"
Napatingin ako sa mga kamay ko wala akong dalang kahit ano then I realize I didn't able to buy a book because of that handsome stranger na bigla nalang sumulpot kanina sa tabi ko.
"Eh dad nasa kay len! Oo tama na kay len naiwan ko siguro sa kotse nila dahil hinatid niya lang naman ako pauwi" sorry dad for not telling the truth last na to pramis! -- "Nga pala dad bakit ang aga mo ata umuwi ngayon?" I change the topic bago niya pa ako intrigahin.
"Ayaw mo bang makasabay si dad sa dinner?" sabi niya na parang nagtatampo
"Hindi naman dad! It just like---"
"It just like what?"
"It just like a miracle I mean don't get me wrong dad ha. Kasi hindi ka naman talaga umuuwi for dinner at naiintindihan ko naman yon dahil tumatawag ka naman para ipaalam sa akin yun araw-araw kaya nga minsan ako na lang ang pumupunta sa office mo para sabay tayo magdinner right?" totoo yun hindi talaga kami nakakapang abot ni dad sa bahay minsan, hindi kami sabay nakakapag lunch at dinner. At simula nang nagcollege ako mas nabawasan pa yung quality time namin ni dad pero close pa rin kami lagi niya kasi akong tinatawagan para kamustahin kahit sobrang busy niya.
"I know. May surprise kasi ako sayo and I'm sure matutuwa talaga ang princess ko" masayang sabi ni daddy
Bago ko pa matanong kung ano yung surpresa niya may sumigaw na ng pangalan ko at hindi ako pwedeng magkamali sa boses na nanggaling sa kakabukas lang na pintuan. Niyakap niya ako ng sobrang higpit hindi ako makahinga tulala pa rin ako sa kakapasok lang na tao sa bahay namin. Ano ba yan ilang beses ba ko dapat matulala.
"Uy! hindi mo ba ako namiss? nakakatampo ka naman Eyla ang dami ko pa namang pasalubong sayo" sabi niya habang tinatanggal ang pagkakayakap sa akin. "aray ko naman babe! sadista ka parin talaga sa akin" bigla ko nalang kasi siyang binatukan, naiiyak ako hindi dahil sa gulat o sakit but because of joy natutuwa ako, parang nawala lahat ng pagod ko. "Bakit ka ba bigla biglang nambabatok ang sakit ha" reklamo niya "at saka wag ka ngang umiyak sadista ka nga uhugin ka naman" dagdag niya pa
"Heh! namiss din kita sobra at sobrang saya ko nandito ka na!" niyakap ko siya sobrang higpit din tulad ng yakap niya kanina sa akin. ganti ganti lang hehehe
"ay naku namiss mo din pala ako nananakit ka pa" sabay yakap sa akin pabalik
Naghiwalay lang kami dahil may biglang umubo ay hindi pala pilit na ubo galing kay daddy. "Oh sya that's enough. let's go to eat dun na rin natin hintayin ang mommy at kuya nyo napaka drama talaga ng mga anak ko" at pumunta na nga kami ng dining
"kasama mong umuwi sila mommy at kuya, Eylo?" tanong ko sa kambal ko. Yes we are twins and yes Eylo ang pangalan niya parang halo lang diba. Ako naman Eyla --- Jane Eyla Llouisse Lim is my name and he is John Eylo Llouiee Lim. Halos parehas lang kami ng pangalan ni Eylo ewan ko ba kung saan nakuha yon at napakahaba kung anong hinaba ng pangalan namin ganun naman kaikli kila mom and dad they were Jane and John lim, sa first name nila kinuha ang first name namin and the rest i dunno. Half chinese si papa, yung lolo ko yung chinese pero namatay na siya nung 3 years old pa lang ako at si lola naman nasa china kasama ang iba pang kapatid ni papa. Si mama pure filipina at yung grandparents ko sa side niya parehas namatay nung grade 6 ako car accident daw pero ewan ko hindi ko na kasi matandaan yon siguro dahil sobrang tagal na.