Nagulat ako sa naging tanong niya. Seryoso ba to? Pero bago pa ako nakasagot naramdaman ko nalang ang braso niya sa akin. Aba tsansing to ah! bigla-biglang nangyayakap. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako, hindi ko din alam kung bakit hindi ko pa siya sinasapak dahil sa pagkakayakap niya sa akin. I feel comfortable with his arms, parang gustong gusto kong niyayakap niya ako. Strange hindi ako basta-basta nagpapayakap lalo sa hindi ko kilala. He murmured something against my ear.
"Anong sabi mo?" Hindi ko kasi naintindihan, masyadong mahina na parang hindi siya nagsalita.
"Wala. Tara ihatid na kita sa inyo" Humiwalay na siya sa akin. Guni-guni ko lang ba yon?
Hindi na ako umimik masyado kasi siyang seryoso well kelan ba naman siya hindi seryoso. Nang nakarating kami sa kotse niya pinagbuksan niya ako ng pinto, pumasok ako at umikot na siya sa driver seat. When he started the engine I realized something. Dapat magtanong kana Eyla! Pagkakataon mo na to. Tumingin ako sa kanya at ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang lumingon siya sa akin.
"I will answer all your question but not now. This is not the right time"
"Paano mo naman nalamang magtatanong ako? Nakakabasa ka ng isip?"
"I can see it in your face. Halatang ang dami mong tanong but sorry I can't answer any of it."
"Then when is the right time? Naguguluhan ako sa pagkatao mo. Una, hindi mo inamin na ikaw yung lalaki sa mall kahit tandang tanda ko pa na ikaw yung handsome stranger na yun! Pangalawa, bigla ka nalang namamansin at nanghihila tapos hinatid mo pa ako sa mall. At pangatlo, pangalawang beses mo kong hinila, may pasabi- sabi ka pang "Please run away with me" at nana-nantsing ka pa!" Was it all a prank?, moody ka lang ba talaga at secretive kaya sinabihan mo akong "Do I know you?" o trip mo lang talagang maging kabute?" Tuloy-tuloy kong tanong kahit sinabi na niyang hindi siya sasagot sa kahit na anong tanong ko. Gusto ko lang malaman niyang seryoso ako na gusto kong malaman lahat nang dahilan niya. Feeling ko kasi may kailangan akong malaman o feeling lang ako. Malay mo naman gusto niya lang mag pick-up line at manghila ng tao tapos nagkataong ikaw ang nakita niya. I murmured to myself. Pero paano siya napunta sa mga taong nagtatakbuhan kanina, alam niya bang nandun ako? haist ang dami kong tanong.
"Handsome stranger huh? Nagwa-gwapuhan ka pala sa akin" pang-asar niyang tugon.
"May sinabi ba akong ganon?" Shocks! ang haba nang sinabi ko at yun pa talaga ang natandaan niya!
"Oo wag mo nang ideny matalas pandinig at memorya ko. And I told you I will not answer your question tonight" He smiled at me bago tumingin ulit sa daan.
"Siguraduhin mo lang na valid reason yang mga dahilan mo, dahil hindi ako yung tipong pinagtri-tripan"
Tumingin lang siya sa akin at hindi umimik. Nainis ako bigla kasi feeling ko pinagtri-tripan niya lang talaga ako pero bakit naman niya gagawin yun. Unang-una hindi kami magka kilala. Tumingin nalang ako sa labas nang bintana at biglang nangunot ang noo ko, pamilyar sa akin ang daang tinatahak niya. Napatingin ako sa kanya, seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Alam niya kung saan ako nakatira? Pero imposible dahil kaunti lang ang may alam kung saan ang bahay namin. Sino ka ba talaga Third. Hindi na lang ako nagtanong dahil alam kong hindi niya iyon sasagutin. Inihinto niya ang sasakyan niya sa tapat mismo ng bahay namin, binuksan ko ang pinto para lumabas pero pinigilan niya ako gamit ang paghawak niya sa braso ko. Tumingin ako sa kanya at sa kamay na nakahawak sa akin.