"Teka-- Wait ! kaibigan niyo to?" Turo ko sa taong kaka-upo lang sa tabi ni Win at Drake.
"Yep!" masayang sagot ni Elle. "Kilala mo si Third?"
"Third?"
"Yeah, that's his name" Si Win naman ang sumagot. Tumingin ako sa lalaki seryoso siyang nakatingin sa akin na parang hindi ako kilala. "Magkakilala pala kayo ni Eyla?" Tanong niya sa kaibigan niya, yung Third naman tumingin sa akin at kay Win na parang naguguluhan.
"OO! Hindi" Sabay naming sagot. Anong hindi, Hindi ba siya yon? naguguluhan kong tanong sa sarili ko.
"Do I know you?" tanong niya sa akin.
"Anong do I know you, do I know you ka diyan" Nakakainis to, nagkukunwari pang hindi ako kilala "Ikaw yung lalaki sa mall, natatandaan kita" sigurado akong siya yun. May Mala-anghel na mukha, maputi at matangkad.
"Huh?" Tanong niya sa akin na para bang isa akong weird na nambibintang sa taong kakakilala niya lang. Aba! may amnesia ba tong lalaking to.Nakatingin na sa amin lahat ng kaibigan ko pati yung sa kabilang table nakikichismiss na din, mga chismosa. At itong lalaking nasa tapat ko parang wala lang at ngumingisi pa. I inhaled and exhaled a breathe saka ko siya tinignan.
"Ah nevermind, akala ko ikaw yung weird na lalaki sa mall na parang kabuteng biglang sumusulpot" Sabi ko. At nakakainis kasi alam kong siya yon pero kailangan kong magsinunglaing kasi mukhang mapapahiya lang ako sa kanya, wala siyang balak umamin o baka hindi niya lang ako matandaan pero imposible.
"Well guys, si Third pala kaibigan namin at kambal ni Drake" Napatingin kami kay drake dahil sa sinabi ni Win. Kambal niya yan, seryoso? Tinignan ko sila, sa unang tingin hindi mo mapapansin na kambal sila pero kapag tinitigan mong mabuti may mga features sila na magkamukha.
"Wow! hindi halatang kambal kayo ha siguro may pagkakahawig. Ito kasing si Eyla magkamukha talaga sila ng kambal niya" Sabi ni Len
"And speaking of kambal. Nasaan na ang kapatid mo Eyla?" Nakuha ko ang atensyon nila dahil sa tanong ni Elle sa akin.
"Inutusan daw ni mommy kaya umuwi muna siya" sagot ko.
"Sayang naman. So tayo tayo na lang? Order na ba tayo?" Gutom na rin kami kaya sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Monic.
"Kami na ang mag-o-order. Treat namin dahil sinamahan niyo kami knina" Si Drake ang nagsalita, hindi namin alam kung anong irereact namin. Una, dahil nakakahiya Pangalawa at huli, gustong gusto naming tatlo ang libre hindi dahil wala kaming pambayad but we found it enjoyable at nabubusog kami. "I insist, so anong gusto niyo?" tanong niya ulit nang makita niyang nagkatinginan kami.
Pagkatapos niyang kunin ang prder namin pumila na sila dahil marami-rami na rin ang tao sa cafeteria. Kaming apat na babae ang naiwan sa table. "Ang bait naman ni Drake" puna ni Len.
"Mabait talaga yon kahit medyo tahimik, parehas sila ni Third they are both generous, ganun sila pinalaki nila tita at tito." Sagot ni Elle. So matagal na pala silang makakaibigan. I murmured to myself. Dumating na sila Drake bitbit ang pagkain namin "Thank you" we said in chorused, kumain na kami at nagkwentuhan ng konti. Tahimik lang si Third at paminsan-minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at agad nagi-iwas nang tingin. So what was that? wala na ba siyang amnesia at natatandaan niya nang ako yung babaeng ginawan niya ng prank? huh!. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.