Nasa school na ako at hinihintay ang mga pagong kong kaibigan. Ang aga ko palang nagising dahil sa kambal kong excited pumasok kaya pati ako nadamay sa pagiging early bird niya. Kung tinatanong niyo kung na saan siya, ayun hinahanap na ang room niya gusto niya daw kasing maaga pumasok himala nga kasi laging late yan nung elementary kami mukhang nabago siya ni lola nung nag high school sa china.
"Eyla!" Si monic buti naman at pumasok na siya. "Dito na rin daw mag-aaral si Eylo?" tanong niya na nagblush pa. Sa pagkaka alam ko kasi may gusto to kay Eylo since elementary pa lang kami magkakaklase na. She's our childhood friend pero hindi ko alam kung natatandaan pa siya ni Eylo dahil mataba dati si monic ngayon Oh-so-hot na sa sobrang sexy.
"Oo, sabay kaming pumasok pero nauna na siya sa room niya excited e" sagot ko naman sa kanya "Si Len pala nasaan?" wala pa kasi si Len nakakapagtaka na hindi sila sabay dahil nasa iisang subdivision lang sila.
"Hay naku sobrang bagal non kaya nauna na ako"
"Sige hintayin na lang natin siya sa room 5 mins nalang time na, itext mo na lang siya" sabi ko. May attitude kasi akong tamad magtext minsan.
"Okay princess"
"Baliw!"
Tumawa na lang siya. Sa 3rd floor pa yung room namin kaya nag elevator kami, sobrang laki nitong university na pinapasukan namin at karamihan puro may kayang pamilya ang nakakapag-aral dito. Umupo na ako sa middle row ng upuan ayaw ko kasi sa harap at likod mas okay na yung nasa gitna para hindi gaano agaw pansin.
"Hi guys!" Ayan na pala si Len
"Uy bakit ba ang tagal mo? nauna na ako sayo" Monic
"Okay lang monic. eh kasi.... basta!" Nagblush siya na parang kilig na kilig.
"Anong nangyayari sayo Len? at wait naka make-up ka ba?" sita ko sa kanya. Halatang nag ayos nga siya dahil hindi naman naglalagay ng make-up yan bukod sa mascara at eye liner.
"Wag niyo na ngang pansinin ang pag-aayos ko! Minsan lang naman eh" sagot niya sa akin at nag pout pa.
"Bakit nga? Ano bang meron? imposibleng wala, magaayos ka dahil wala lang?" si Monic na ang nagtanong
"Hello! oo naman pwedeng wala lang. Part of maturity mga ganon" Muntik na akong matawa sa sinasabi niya, part of maturity?
"Sa sobrang childish mo sayo pa talaga nanggaling yan?" Tama si monic, Len is the most childish person I've met sa edad na 19. Mas matanda siya sa amin ni Monic at nasa 3rd year na kami sa kursong BSTourism.
"Nagmatured na ako no! Well hindi halata kasi mukha talaga akong bata!" Naiinis niyang sabi, nagpipigil na lang kami ng tawa ni Monic dahil mas lalong maiinis si Len sa amin. "Pero guys ang totoo kasi, may bagong student na mag-aaral dito sa atin well, hindi ko alam kung same course as ours pero alam ko ka-department din natin siya"
"And so? May connect ba yan sa matagal mong pagligo at nag make-up ka pa nga?" sabi ko sa kanya na naguguluhan.