SIMULA

80 22 7
                                    

SIMULA

"Mam, Dad. Don't leave me please!" Sigaw ko habang nasa loob ng sasakyan na naka tumba kasama ang dalawa sa mahal ko sa buhay na duguan at tila hinahabol ang hininga.

"Baby, we don't leave you, mawawala lang kami saglit. Diba sabi ko.."

"..Pag merong nawawalang bagay, wag mo itong isipin at magpapakita ito." Sambit ko habang unti unti lumalabo ang aking mga mata dahil sa mga luha na walang humpay ang pag daloy.

Nakita kong tumawa si mom. Na sa kabila nang sakit at hirap na nararamdaman nila ay nakukuha nya pa rin itong tumawa na tila walang nangyayari na masama.

"Tama ka. Mawawala kami ng dad mo saglit pero wag mo kaming isipin o aalalahanin dahil babalik kami. Babalik ako. Pangako.." Sambit ni Mommy sa akin.

"Pero mom,.." agad  na hinawakan ni mommy ang kamay ko gamit ang namumutla at naginginig niyang mga kamay.

"Alis kana. Lumabas kana ng kotse, please. Ciara. Please. Iligtas mo sarili mo."

Dahil sa pag mamakaawa ni mommy sa akin, agad akong lumabas sa nakataob na kotse na kaninang sinasakyan namin. Habang lumabas ako sa makipot na butas na tanging ako lamang ang makakalusot, biglang sumabit ang balat ng kaliwang braso ko sa naka usling bakal. Agad akong napahiyaw sa sakit pero hindi ko na ito inintindi at tumuloy na lamang ako sa pag labas. Nang ako ay nakalabas na, paika ika akong tumakbo papalyo sa kotse naming naka taob habang hawak ang mahapdi at dumudugong braso ko.

It's My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon