Pangatlo
Nag tatataka pa din ako sa sinasabi nung lalaking naka hubo na nasa harap ko.
Saan siya galing? Sa kwaderno? Paano? Bakit? Bakit siya nag labas ng gantong kagandang nilalang? Ha? Parang di siya tao sa sobrang gwapo niya.
"Gago kaba? Siguro adik ka din katulad nung nag bigay sa akin niyan no?!" Sambit ko habang naka titig sa mata niya. Sa mata lang niya ha. Tangina. Nakakailang.
"Paumanhin, ngunit 'di ako nag sisinungaling. Nag sasabi ako ng katotoohanan na nangaling ako sa kwaderno mo at ang ibigsabihin, sayo ako nangaling. Galing ako sayo" sabay ngiti nito.
Siguro kung naka damit ito at hindi hubo baka nainlove na ko kasi sobrang ganda ng ngiti niya. Parang langit. Ang sarap mahulog. Pero hindi eh. Naka hubot hubad siya! Abe di ba siya nakakaramdam? Babae ko! Lalaki siya! May lawit siya at nakikita ko yun ng malaya!
Tsaka, gago ata to. Galing sa akin? Nanganganak na pala ko ng gantong kalaking tao.
"Hi-hindi ko maintindihan. Alam mo, kaka-" naputol ang sasabihin ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Apo, may problema ba? Kanina pa kita kinakatok dito tas bigla ka na lang nag sisigaw. May nang yayari ba diyan sa loob? Apo, sumagot ka naman oh.." malumanay na tanong ni lola habang kumakatok.
Atay, kapag nakita niyang may lalaking naka hubo sa kwarto ko malalagot ako. Baka tangalan ako ng hininga ni lola o kaya tangalan ng dalawang ulo tong lalaki dahil sa galit.
"Sabi ko sayo eh. Gumising kana't kanina pa kumakatong yun--" agad akong tumayo at tinakpan ang bibigniya.
Wala akong paki kung sobrang lapit namin sa isat isa. Ang mahalaga sa akin hindi siya marinig ng lola ko.
"Shhh.." sabi ko habang naka titig sa mata niya habang tinatakpan ng isa kong kamay ang bibig niya.
"Apo, bubuksan ko na to. Kukunin ko lang ang susi sa baba" narinig kong nag umpisa na tong mag lakad pababa.
"Shet. Anong gagawin ko!" Sambit ko.
"Hmm.. binibini, medyo hindi maganda ang amoy ng kamay mo binibini. Paumhin."
Naagaw ng pansin ko sa sinabi nya.
Nang muli ko siyang tingan, naka kunot ang noo niya. Mukang nababahuan siya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.
Masama ang amoy? Tangina.
Agad kong tinangal ang kamay ko sa bibig niya.
Nakakahiya.
"Saan ba galing yan binibini? Mukang masalimuot ang amoy." Sambit nito habang kinukusot kusot ang ilong.
Gago to ha.
"Manahimik ka nga! Nag iisip ako kung paano ko malulusutan to. kung hindi mapapatay ako nun. Pati ikaw! Mapapatay nun!"
"Aba, halimaw pala ang aleng iyon. Akala ko ay diwata dahil malambing niyang boses ngunit nag kamila pala ako.." tugon nito.
Tangina. Isip! Isip! Isip! Ano gagawin ko.
Habang nag iisip ako. Nahagip ng mata ko blusa kong naka sabit.
Shet, bahala na!
"Tangina, teka!" Sabay takbo ko sa kinaroroonan ng blusa ko. Agad ko yun kinuha at bumalik sa kinaroroonan ng lalaking naka hubo.
"Suotin mo to, bilisan mo!" Sabay bato ko sa kanya ng blusa na kulay pink na nag pakunot ng nuo niya.
Tumabo ako sa lalagyanan ng damit ko. Hinahanap ko yung short ko. Para masuot niya.
"Ngunit.."
"Wala nang ngunit-ngunit bwisit ka! Suotin mo yan!" Sigaw ko habang nag hahanap ako ng short. Shit!
"Ayun!" Sigaw kong nang makita ako nang short.
Agad akong tumayo at hinarap ang lalaki.
"HAHA!" Agad kong tinakpan ang bibig ko.
Tangina. Natatawa ako. Yung kaninang lalaking makisig, naka blusa na pink. Ang cute! HAHAHAHA!
"Binibini.." namumula niyang sambit. "Hindi ako komportabale sa suot ko. Masikip.." reklamo niya.
Gusto kong humalagpak sa tawa sa nakikita ko pero wag. Bad yun. HAHAHAHA! Gago. Ang cutr nya talaga. Naka blusa siya ng pink. Kanina nasasarapan ako sa itsura niya pero ngayon mapapasabi ka na lang ng sayang HAHAHAHAAH!
"wag ka mag reklamo! Eto pa, suotin mo to" sabay abot ko sa kanyang ng maiksing short.
"Seryoso? Susuutin ko to?" Tanong niya.
"Oo, kung ayaw mong maputol yang ulo mo. Sabay tingin ko sa baba niya. Haha!
Ganun din siya. Napatingin siya sa isa pa nyang ulo. Lalo siyang namula. HAHAHA! Nilalamon na siya ng kahihiyan.
Nakikita kong sinusuot na niya ang maikling short na binigay ko.
Harap na hirap siya sa pag suot. Kasi medyo malaki hita niya. Di mag kasya.
Tangina. Pigil na bigil ako sa tawa nang biglang.
"Apo.."
Bigla akong napalingon sa pinangalingan ng boses. Si lola. At naka bukas na ang pinto.
"Lola?" Sambit ko habang may takot sa boses ko. Shet. Nakita nya kaya.
"Siya? Sino sya?" Tanong ni lola.
Nilingon ko yung lalaki. Naka suot na sa kanya yung blusa tsaka yung short na binigay ko.
Gago. Ang cute nya habang kinakalikot ang matambok nyang pwet. Masikip siguro. Naiipit yung ano. Yung... tela ng damit haha.
"Ahh.. hmmm.. si ano pa siya.."
Gago. Lola, ni ako di ko din alam kung sino siya!
"Hmmm.." gago.
"Galing ako dito.." sabay turo niya sa kwaderno.
Naalala kong sabi niya sa akin kanina.
"Si-siya si.. kwader... hmmm.. Diary. Oo. Lola, s-si Diary po. Kaibigan ko.." sabay ngiti ko nang peke.
Nilingon ko ulit yung lalaki.
Diary?
Shet. Diary amp.
To be countinued...
Please Vote, Comment, and Share! (≧▽≦)
BINABASA MO ANG
It's My Diary
FantasyI hope this is just a dream. Panaginip na sana ako ay magising. I hope this is not real. Sana meron diyang mag sasabing 'nanaginip ka lang at kailangan mo nang gumising.' Sana.. Baka.. Siguro.. Sana nga di na lang kita hiniling. Baka nga okay ang la...